^

PSN Showbiz

Sarah hindi nakapagpahinga sa New York!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Excited na raw si Sarah Geronimo sa drama anthology na nakatakda niyang gawin. Itinuturing daw ni Sarah itong malaking challenge para sa kanya bilang artista. “Exciting po itong magiging journey ko sa aking bagong proyekto na drama anthology. It’s a challenge for me bilang actress. Sana may mapakita tayo na bago, may ma-showcase tayo na bago sa televiewers natin,” bungad ni Sarah.

Ibang-iba raw ang gagawin ngayon ng Popstar Princess sa kanyang mga nauna ng mga proyekto. “Importante na may kurot pa rin ang bawat istorya na gagawin natin at hindi pa rin mawawala ‘yung kung saan ako una nakilala na light and bubbly,” dagdag ng dalaga.

Samantala, sa huling linggo ng Marso ay ipalalabas na sa mga sinehan ang pelikula nila ni John Lloyd Cruz na It Takes a Man and a Woman. Kinunan pa raw sa New York ang ilang mahahala­gang eksena para rito. “Sobra kaming nag-enjoy at the same time nakakapagod din kasi four days na straight ang shoot namin. Hindi kami nakakapagpahinga kasi kailangan lubusin namin ‘yung stay namin sa New York. Pero I’m sure po na malaki ang maitutulong niya sa love story ni Miggy and Laida (karakter nina Sarah at John Lloyd sa pelikula),” nakangiting pahayag ni Sarah.

Iya at Drew mag-iisang dekada na!

Siyam na taon nang magkarelasyon sina Iya Villania at Drew Arellano. Ayon sa dalaga ay masayang-masaya raw siya sa relasyon nila ni Drew dahil magkasundung-magkasundo sila sa halos lahat ng bagay. “Kung tutuusin nga kahit nine years na kami, ang dami pa naming hindi nagagawa as a couple kasi inaantay pa namin na ikasal kami,” pahayag ni Iya.

Lalo raw tumitibay ang pagmamahalan ng dalawa kahit mag-iisang dekada na ang kanilang relasyon. “Sobrang sweet ni Drew. And what’s so sweet is the further we go, the stronger we get. A lot of people have always been afraid of the so called seven year itch. Tumagal kami na ito lang puwede naming gawin, paano pa kaya kapag talagang naging one na kami?” paliwanag ng dalaga. Minsan ay dumaan din daw sa matinding pagsubok ang kanilang relasyon ni Drew at humantong pa ito sa cool off. “We went through that. Pero kasi I wanted to scare myself kasi I’m the younger one. Kunyari sasabihin ko, ‘Honey, don’t cheat on me, ganyan-ganyan.’ Sasabihin niya, ‘Honey we were together when you were 18, you’re the younger one. You have so many things you have yet to experience.’ So we’ve had our fair share, but we always pull through. Ngayon sobrang sarap where we are in our relationship, considering na mag-nine years na kami,” pagtatapat ni Iya. Reports from JAMES C. CANTOS
                    

 

DREW ARELLANO

IT TAKES

IYA

IYA VILLANIA

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

MIGGY AND LAIDA

NEW YORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with