Nora Aunor nangutang sa TV5 para makapagpagamot sa Amerika!
MANILA, Philippines - Totoo bang nangutang si Ms. Nora Aunor sa TV5 para makapagpagamot sa Amerika?
Ayon sa isang source, malaking halaga ang hiniram ng superstar sa kanyang home studio para maipagamot na ang lalamunan at tuloy ay makapagpa-check up sa kasalukuyang nararamdaman sa States.
Madalas daw talaga itong may sakit lately kaya halos hindi na nakakapag-trabaho kaya pinayagan nang umalis.
Maalalang inamin ni Direk Mac Alejandre ang madalas na pagkakasakit ni Ate Guy kaya nabawasan ang role nito sa Never Say Goodbye.
Lea pinuri-puri sa Ragtime
“It’s official: I am a coach on THE VOICE OF THE PHILIPPINES! I wonder who coach #4 will be?’’ Tweet kahapon ng international singer na si Lea Salonga.
Dito sa PSN unang lumabas kahapon ang balitang isa sa uupong coach sa local version ng reality singing contest na The Voice of the Philippines si Ms. Lea kasama sina Sarah Geronimo at Bamboo na nauna nang kinumpirma ng ABS-CBN.
Kahapon ay nag-trend si Lea sa Twitter. Ang isyu bukod sa kanyang pag-upo as coach sa The Voice of the Philippines ay ang tinanggap niyang papuri sa kanyang performance sa musical na Ragtime na ginanap sa AveÂry Fisher Hall para sa 15th anniversary ng original na Broadway production.
Isa sa mabilis na kumalat na review kahapon ay ang lumabas sa Playbill.com. “Salonga was in pristine voice, filling the auditorium during the first trio Goodbye, My Love/Journey On, and she received the biggest ovation of the night for her show-stopping 11-o’clock number Back to Before. Her voice and committed performance (after less than two weeks of rehearsal) can only leave us hoping that Ahrens and Flaherty will consider writing a musical for the talented actress who has been absent from the Broadway stage for too long.’’
Kaya naman mabilis siyang pinag-usapan.
Tuwang-tuwa si Lea. “I cannot believe it’s over... it’s actually over!!! Ragtime was such a blessing, I think it’ll be a while before I finally find myself on earth. The cast, the orchestra, the choir... if there was such a dream as this, I’m only too glad to have been in some way a part of it. Thank you, Stafford Arima, for coming to me in the darkened Old Globe theater and asking me to be part of such an incredible night,†sabi niya sa kanyang Facebook account.
Charice nawawala, pagiging guwapito pinangangalandakan na
Maraming naghahanap ngayon kay Charice. Nasaan na raw ba ito. HuÂling kuwento ng isang source, nagbebenta ito ng mga ari-arian tulad ng kotÂse at sasakyan.
Pero wala na ngayong maikuwento ang source dahil wala na rin daw siyang balita pagkatapos noon.
Nauna nang inamin ni Charice sa kanyang Twitter account na siya ay guwapito. “I’m in love with my work. Love music. I love my family, i love everyÂone. & I’m gwapito. hahaha!!!â€
Direk Rory para lang naglalaro sa shooting
Expert na raw ang ABS-CBN sa paggawa ng mga teleserye kaya’t maraming mga artista ang nagtitiwala sa network pagdating sa paggawa ng drama ayon sa beteranong Kapamilya direktor na si Jerome Pobocan.
Isa lamang si Direk Jerome sa higit na 40 na direktor ng ABS-CBN, ang sinasabing tahanan ng mga pinakamagagaling na direktor sa bansa.
Sa higit 20 taon ni Direk Jerome sa ABS-CBN, nakilala siya para sa kanyang matatagumpay na teleseryeng Hiram, ang remakes ng Mara Clara at Gulong ng Palad, Nasaan Ka Elisa?, Lorenzo’s Time, Ikaw ay Pag-ibig, Sana Maulit Muli, Sana’y Wala Nang Wakas, ang Philippine adaptation ng Recuerdo de Amor, ang International Emmy-nominated na Impostor, at ang pelikula nina Coco Martin at Angeline Quinto na Born to Love You.
Dagdag pa niya, natutunan niya sa ABS-CBN kung paano hulihin ang panlasa ng mga manonood.
“Gusto ng mga Pinoy na nai-inspire sila at nakaka-relate na para bang nagiÂging parte na rin sila ng kuwento,†sabi niya.
Patunay raw nito ang tagumpay ng teleseryeng May Bukas Pa noong 2009 dahil sa kakayahan nitong maantig ang mga manonood, bata man o matanda, sa pamamagitan ng pananampalataya.
Isang panibagong hamon naman kay Direk Jerome ang kanyang pinaÂkabagong TV project na Bukas Na Lang Kita Mamahalin na tatampukan ng unang pagtatambal nina Gerald Anderson at Cristine Reyes.
Samantala, sinusukat naman ni Direk Rory Quintos ang kanyang tagumÂpay bilang isang direktor kapag nabibihag niya ang puso ng mga Pinoy.
“Masasabi kong nagtagumpay ako as a director kapag natamaan ko ang puso nila. Pinaka-nagugustuhan kong projects ay ‘yung mga may puso,†ani Direk Rory.
Kilalang dedicated si Direk Rory sa kanyang trabaho, ngunit hindi niya ito itinuturing na isang trabaho. Sa katunayan, itinuturing niyang parang isang maÂlaking playground ang mga shooting kung saan siya bumabalik sa pagiging bata na nage-enjoy lang maglaro.
Kilala si Direk Rory para sa mga pelikula niyang Anak, Kailangan Kita, at Dubai, pati na ang mga teleserye Pangako Sa ‘Yo, Esperanza, MaÂging Sino Ka Man: Ang Pagbabalik, at Only You.
Bago pa man ilunsad bilang isang direktor ng ABS-CBN, naging freelancer siya sa loob ng pitong taon at nakapagtrabaho na sa iba’t ibang TV network.
Bukod sa magagandang breaks sa kanyang career at ang tiwalang ibinigay ng Dos sa kanya, ang pinakagusto niya raw sa network ay ang Kapamilya atmosphere nito.
Ang iba pang director ng ABS-CBN ay sina Wenn Deramas, Ruel Bayani, Jerry Lopez Sineneng, Joyce Bernal, Bobet Vidanes, Edgar Mortiz, Jeffrey Jeturian, Cathy Garcia-Molina, Mae Cruz, Malu Sevilla, FM Reyes, Lino Cayetano, Nuel Naval, Don Cuaresma, Erick Salud, Trina Dayrit, Arnel Natividad, Francis Pasion, Jojo Saguin, Nick Olanka, Dado Lumibao, Katski Flores, Frasco Mortiz, Ricky Rivero, Rechie del Carmen, Toto Natividad, Manny Palo, Richard Arellano, Tots Sanchez-Mariscal, Ted Boborol, Connie Macatuno, Jon Moll, Darnel Villaflor, Avel Sungponco, Raz dela Torre, Neal del Rosario, Mervyn BronÂdial, Jon Villarin, Nico Hernandez, Alco Guerrero, at Johnny Manahan.
Tampok ang mga direktor na ito sa isang espesyal na feature sa issue ng Metro Society magazine na available na ilalabas na ngayong Pebrero.
Kaya naman hindi nakakatakang hindi puwedeng maubusan ng direktor ang ABS-CBN sa rami nila.
- Latest