Mel Tiangco ayaw patusin ang ‘panliligaw’ ni Mike Enriquez!
MANILA, Philippines - Stressful para kay Mel Tiangco ang pagkakaroon ng radio show. Ito ang naging dahilan kung bakit nagkaroon siya ng atake noon kaya naman kahit patuloy siyang pinipilit ni Mike Enriquez na maging bahagi ng radio ng GMA ay todo tanggi ang female newscaster ng 24 Oras at host ng Magpakailanman at Powerhouse.
“Sabi ng doctor ko noon, I have to slow down. Kaya inalis ko ang radio. Mahirap ang radio. Mahirap talaga, I tell you.
“Hindi lang sa pagiging daily. Dapat alam lahat ng issues. You’re always alert. Hindi ka puwedeng patay-patay. Ewan ko, huh! Kasi ganoon ang standard ko eh.
“Madilim pa, gising ka na. Limang diyaryo ang nakalatag sa ’yo. Pati tsismis, kailangan updated ka. Kung hindi…ano pa naman… ’pag nagkaroon ka ng partner na lalaki ay sexist na ang aking sasabihin.
“But, no, no! There is really a tendency na ’pag babae ang partner, aanuhin ko. Ano ang tawag doon? Talagang they will test you kung magaling ka, ’di ba? Eh ako pa kaya? Ayoko nang gano’n. Hayun, that’s the word — underestimated ka. Hindi puwede sa akin ’yon. Subukan mo kahit anong issue at makikipagtalakayan ako. Kaya you really need to be up to date.
“Hindi pa tapos ’yon. Babasahin mo ang limang diyaryo. Pagdating ng weekend, ’yung nakalimutan mo, babasahin mo pa ulit. Gano’n. Stressful talaga!â€
Pero hindi ang 24 Oras, hosting ng Magpakailanman, at Powerhouse ang pinakamabigat na trabaho ni Mel kundi ang magpalakad ng Kapuso Foundation.
“Madali lang ’yung newscast eh. Kahit walong oras mo akong ’pag-newscast,†rason ng host.
Ayaw ni Mel na maramdaman ang stress sa mga responsibilidad niya. Meron daw kasi siyang bisyo.
“Masahe. Every other day. Walang mintis! Dalawang oras,†pag-amin ni Mel.
Sa ngayon ay nasa second season na ang weekly drama niya sa GMA na talaga namang umaariba sa ratings kaya kinukunsidera ni Mel na vindicated siya sa muli niyang pagbabalik sa programa.
Sa mga unang episode ng weekly program, ang episodes nina Wally BaÂyola at Ryzza Mae Dizon ang mga kuwentong nagustuhan ng manonood na Top 2 sa ratings.
’Yun nga lang, nang tanungin kung kelan naman mapapanood ang kuwento niya sa programa, agad siyang tumanggi na walang magkakagusto dahil hindi ito makulay gaya ng naipalabas na nilang mga istorya ng iba. (JUN NARDO)
- Latest