Ruffa unti-unti nang nagiging Kapamilya, kontrata sa TV5 expired na!
Nagulat ang viewers ng Salamat Dok ng ABS-CBN last Sunday, 8:00 a.m., nang mapanood si Ruffa Gutierrez. Guest ang actress-TV host kasama ni Dr. Vicki Belo sa show hosted by Bernadette Sembrano and Alvin Elchico.
Akala tuloy ng mga nakapanood kay Ruffa sa ABS-CBN show, simula na ’yun nang pagbabalik niya sa Kapamilya Network dahil nabalitang nag-expire na ang kontrata nito sa TV5. Pero kinagabihan, napanood si Ruffa sa Pidol’s Kuwentong Fantastik ng TV5. Ibig sabihin, nasa Kapatid Network pa rin siya.
Hindi sa Salamat Dok unang nag-guest si Ruffa sa show ng ABS-CBN, nakalimutan lang namin kung saang show ’yung isa. Nabasa namin ang tweet ni Dr. Vicki na nagpapasalamat sa paggising ng maaga ni Ruffa para mag-guest para sa kanya.
Kumpirmado, Claudine at Raymart hindi pa hiwalay!
Pinost ni Claudine Barretto sa Instagram ang Valentine’s Day card na ibinigay sa kanya ng asawang si Raymart Santiago at kahit maiksi ang message, natuwa ang nakabasa sa message lalo na at nag-I love you si Raymart sa asawa.
Para sa followers nina Raymart at Claudine, patunay ’yun na nagmamahalan pa rin ang dalawa at magkasama pa rin. Kabaligtaran sa mga tsikang hiwalay na.
Anyway, kailan kaya muling mapapanood ng kanÂyang fans si Claudine sa TV at sa movie? May konÂtrata pa kaya siya sa GMA Network o wala na? As for Raymart, sayang at nakansela ang Mrs. Snow White na primetime soap sana nina Raymart at Carla Abellana, ang tagal na nitong walang soap.
Dominic wala pa ring alam tungkol sa ama
Sa pinaka-latest na interview kay Dominic Rocco, tila wala na itong tampo sa GMA Artist Center (GMAAC) pero hindi pa rin natin alam kung itutuloy nito ang paglipat ng network ’pag natapos ang kontrata niya sa GMAAC.
Sabi nito sa interview: “I believe I have the right to say how I feel naman and after what happened, everything became better. Mas natututukan ang career. I guess it was just about time that I had to say something at sakto ’yung timing. Now, I am proudly as Artist Center talent.â€
Dagdag ni Dominic, masaya siya sa nangyayari sa career niya ngayon at sa kanyang career. Happy din siya na mapasama sa Indio at sa karakter niyang si Tuhay na tumatatak sa viewers ng Pinoy epic serye.
May mga nagre-request ngang gawin na silang totohanang magka-love team ni Sheena Halili, gumaganap na Mayang, at bigyan ng show kahit tapos na ang Indio. May chemistry daw kasi ang dalawa at sayang kung hanggang isang show lang ang tambalan nila. Paging GMA 7!
Puro good words si Dominic kay Sen. Bong Revilla, Jr. Nakakatuwa at masarap daw kasama at kakuwentuhan ang senador. Inaalagaan nito ang buong cast at very down-to-earth. Isa pang ikinatutuwa nito sa Indio ay nagagawa ang hindi niya nagawa dati at nakatrabaho ang ’di nakatrabaho gaya nina Bong nga at Michael de Mesa.
Pero pagdating sa kanyang ama, wala pa ring magandang balita si Dominic, dinalaw daw nila ang ama last year pero wala silang napag-usapan.
Derek tinatambakan ng kontrabida
Lalong nagiging exciting ang Kidlat sa pagpasok ng mga dagdag na kontrabida na makakalaban ng bidang si Derek Ramsay.
Bagong makakalaban ni Kidlat ang ulilang kambal na sina Francine at Francis, portrayed by Artist Academy graduates na sina Shaira Mae at Mark Neumann.
Papasok din si Paolo Ballesteros bilang si Walter na binu-bully
Dagdag din sa cast ang commercial at fashion model na si Valerie Weigman bilang si Natasha Thorpe.
- Latest