Pinay na binugbog ng Koreano isisiwalat ang buong karanasan
MANILA, Philippines - Isasalaysay mismo ng 23 anyos na si “Sophia†ang sinapit na pang-aabuso sa kamay ng isang Koreano na ikinagulat ng sambayanan ngayong Lunes (Feb. 18) sa Pinoy True Stories: Bistado.
Sasariwain ni “Sophia,†na tubong Palawan at nagtatrabahong guest relations officer o GRO sa Ermita, ang pambubugbog sa kanya ng Koreanong si Kim Byung Yuk o alyas “Nick Kim†at ilalahad kay Julius Babao kung paano siya hinahataw nito ng baseball bat, sinasakal ng tuwalya sa leeg, at tinutusok ang mata ng daliri saka lalagyan ng Korean wine.
Nakilala ni “Sophia†si Kim sa pamamagitan ng isang kaibigan at dahil sa mabuti ang pakikitungo nito sa kanya ay pinaunlakan niya ang imbitasyon nitong uminom sila sa kanyang tinutuluyang condominium sa Maynila. Lingid sa kaalaman niya na siya ay ikukulong ng siyam na araw at paulit-ulit na pagbubuhatan ng kamay.
Buti na lang at nagawa nitong makatakas at humingi ng tulong sa kinauukulan. Ang paglantad sa publiko ni “Sophia†ang siya ring nag-udyok sa isa pang biktima ni Kim na nagdusa rin umano sa kamay ng Koreano.
Lumutang din ang mga saksi na nag-uugnay kay Kim sa pagpatay sa 21 anyos na si Camille April Manaclang na natagpuang pira-piraso ang katawan at nakasilid sa isang bag sa may Laguna noong Marso 2011.
Tunghayan ang buong kuwento ni Sophia ngaÂyong Lunes sa Pinoy True Stories: Bistado, 4:45 p.m. pagkatapos ng A Gentleman’s Dignity sa ABS-CBN.
- Latest