Janno Gibbs halos wala nang leeg
MANILA, Philippines - Grabe na pala ang katawan ni Janno Gibbs ngayon. Parang haÂlos wala na siyang leeg sa sobrang katabaan. Ano’ng nangyari? Kahapon sa Party Pilipinas habang kumakanta siya, na nakaupo pa, lalo siyang tumaba sa hitsura niya.
May plano pa kaya siyang magpapayat o maligaya na siyang ganyan ang katawan?
Malayo na siya sa hitsura ni Ogie Alcasid samantalang magkasabayan lang sila noong magka-career.
Alfredo Lim isasali sa International Filmfests
Tapos na ang isyu kina Cesar Montano at sa starlet na si Krista Miller. Na makakabuti sa pelikulang Alfredo S. Lim: The Untold Story dahil mapag-uusapan na ang pelikula at hindi na naka-focus sa isyu kung saan kahit paano ay nakilala ang nasabing starlet.
Pinagpaguran pa naman ni Cesar ang pelikula.
“We are very proud of the movie. There was a conscious effort on the part of everyone involved in the production to come up with a film that tells a beautiful story,†sabi ng aktor.
Binigyang-diin din niya na hindi lang basta propaganda ang pelikula para kay Mayor Lim.
Pagkatapos ipalabas sa bansa ang pelikulang ito ay plano nila itong isali sa international filmfest. MaÂlaki ang bilib ni Cesar na kakagatin ito ng international movie audience.
Bukod sa pelikulang ito, abala rin si Cesar sa kanyang soap opera sa TV5, ang Never Say Goodbye.
Kaya naman nakakaramdam ang aktor ng pressure na bukod sa siya ang director, producer, and actor sa pelikulang nabanggit ay matitindi pa ang mga eksena niya sa serye kasama sina Nora Aunor and Alice Dixson sa Never Say Goodbye.
Kadalasan pagkatapos ng trabaho niya sa pelikula at serye, ayun exhausted na raw siya.
“Sometimes it’s really very challenging but the adrenaline just kicks in every time. The satisfaction is also very rewarding. The freedom to give life to the character, ’yung ikaw ang magdi-direk kung paano tatakbo ang kuwento at makita mong maganda ang kinalabasan, priceless,†sabi ng aktor.
November nang mag-umpisang gawin ni Cesar ang The Untold Story, kaya naman sa tuwing wala siyang taping sa serye ng TV5 nasa shooting or editing siya ng movie na palabas na sa Feb. 27. Magkakaroon ito ng premiere night sa SM Manila on Feb. 26.
Ronnie Ricketts naisingit ang fighting chefs
Tapos na at handa nang ipaÂlabas ang comeback movie ni OpÂtical Media Board (OMB) Chairman Ronnie Ricketts, ang Fighting Chefs na ang aktor din ang direktor.
Naisingit ni Chairman Ricketts ang paggawa ng pelikula na kuwento ng mga chefs – Master Chef si Ronnie at owner ng restaurant sa Elite Square na dinarayo ang kanilang scrumptious and miraculous recipes. At isa sa specialties nila ay ang herbal soup na nakakatulong kay Don Manalo na gumaling sa kanyang karamdaman.
Si Don Manalo ang legal owner nang kinatatayuan ng Elite Square.
Kaya lang meron siyang malalang sakit pero dahil nga sa herbal soup na gawa ng Elite Square unti-unti niyang naramdaman ang kanyang paggaling.
Kasama ni Master Chef sina Sexy Chef, Chef Magician, Chef Comedian, Dancing Chef and Chef Gigolo, at united sila para panatilihing matagumÂpay ang kanilang restaurant sa buong lugar ng Elite Square.
Pero mag-uumpisa ang matinding conflict nang tanggapin ng isa sa mga chef - Chef Gigolo - ang offer ni Roy, brother ni Don Manalo na makuhang muli ang Elite Square.
Pagkatapos ng bouts and fights mula sa mga villian, naghanda ang chefs ng Elite Square, nag-undergo sila ng intensive training para depensahan ang kanilang mga sarili para sa mas matinding labanan. Doon na mag-uumpisa ang matinding bakbakan.
Muling ipakikita ni OMB Chair ang kanyang gaÂling sa action. Doon naman talaga siya nakilala noon. Sa action movies.
Makakasama ni Chairman sina Arci Muñoz, Chef Boy Logro, Vandolph, at marami pang iba.
Maraming pimples ni Nikki hindi naitago ng makapal na foundation
Kitang-kita nang i-focus si Nikki Gil na ang dami niyang pimples sa mukha sa ASAP 18 kahapon habang kumakanta siya kasama sina Martin Nievera.
Magpa-Belo kaya siya para naman mabawasan o tuluyang mawala ang pimples na hindi na maitago kahit sa makapal na foundation?
- Latest