Sir Chief at Maya, may special date sa ASAP 18
MANILA, Philippines - Ibang level na kilig at saya ang mararamdaman ng TV viewers ng ASAP 18 ngayong Linggo (Pebrero 17) dahil ang mga bida ng no.1 daytime kilig-serye ng bansa na Be Careful With My Heart na sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap ay may bonggang Valentine’s weekend treat para sa lahat.
Bukod sa romantic treats nina Maya (Jodi) at Sir Chief (Richard), paaapawin pa ang kilig at saya ng programa sa post-Valentine surprise na ihahandog ng Kapamilya teen sensation na si Daniel Padilla.
Kaabang-abang din ang back-to-back birthday bash para sa Kapamilya stars na sina Empress at John Prats.
Samantala, saksihan ang world-class concert performance mula kay Mr. Pure Energy Gary ValenÂciano kasama ang kanyang newly-wed son na si Paolo sa nakaaantig na kuwento ng pag-ibig sa With Love, Gary V; na susundan ng nakamamanghang production number na ihahatid ng ultimate mulÂtimedia star na si Toni Gonzaga sa kanyang T Zone segment.
Tiyak na lalong mai-in love ang lahat sa Valentine concert na bahagi ng pagpapatuloy ng year-long 18th anniversary celebration ng ASAP na alay nina MarÂtin Nievera, Piolo Pascual, Vina Morales, Jed Madela, Nikki Gil, at ng ASAP Sessionistas; at sa pinakasikat na love songs na aawitin ng ASAP hit makers na sina Erik Santos, Juris, Liezel Garcia, at ng bandang Six Part Invention.
Humanda rin para sa pinaka-astig na Supahdance showcase nina Kim Chiu, Enchong Dee, Maja Salvador, Shaina Magdayao, Iya Villania, Rayver Cruz, Gab Valenciano, at Iza Calzado.
Patuloy na isabog ang pag-ibig at huwag palampasin ang post-Valentine celebration ng 2012 PMPC Best Musical Variety Show na “ASAP 18†ngayong Linggo, 12:15 ng hapon sa ABS-CBN. Para sa updates, pictures at tsansang maka-hang out nang live ang stars ng ASAP Chill-Out, bumisita lamang sa http://asap.abs-cbn.com/, i-‘like’ang http://facebook.com/asapofficial, sundan ang @ASAPOFFICIAL sa Twitter at makibalita sa latest happenings sa “ASAP 18†sa pamamagitan ng pag-tweet ng hashtag na #ASAPKiligMuch.
- Latest