^

PSN Showbiz

Jose nagulat sa asawang contestant!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagitla si Jose Manalo nang kapangalan ng asawa niyang si Anna Lyn ang nabunot at tinawagan ni Vic Sotto sa segment na Bayanihan of the Pipol ng Eat Bulaga kahapon. Ang asawa ang unang sumagot ng phone pero nang ipasa ito sa asawa na Anna Lyn ang pangalan, inabot ng kantiyaw si Jose!

Kaya naman nang pumasok sa mababang ku­war­to ng bahay sina Jose, Wally Bayola, Paolo Balles­teros, at Jimmy Santos never nabanggit ang name ng babae. Tanging “misis” ang sinasambit ng lahat ng hosts habang tsinitsika ang winner.

Of course, kahit hiwalay na sa asawa si Jose ay tuloy pa rin naman ang pagdalo niya sa hearings na kinasangkutan niyang kaso kasama ang asawa.

Just recently, isang kaso ang na-dismiss laban sa mag-asawa.

Ryzza Mae pinag-aagawan ng mga kandidato, pero binawalang mangampanya at mag-endorso

Bahay sa Antipolo City ang tina-target ng child sensation na si Ryzza Mae Dizon matapos makabili ng sasakyan. Mahigit isang milyon ang presyo ng bahay sa isang village kaya naman ’pag natupad ito, magbubunga na rin ang paghihirap niya sa trabaho.

Sa totoo lang, ngayong kampanya na sa eleksiyon, pinag-aagawan ng mga kandidato si Ryzza Mae upang maging endorser o ’di kaya ay maging bahagi ng miting de avance.

’Yun nga lang bawal sa mainstays ng Eat Bulaga na magkampanya ng specific na candidate.  Gusto ng programa na maging impartial sa lahat ng tumatakbo dahil baka nga naman masabihang biased ang programa nila.

 

vuukle comment

ANNA LYN

ANTIPOLO CITY

BAYANIHAN OF THE PIPOL

EAT BULAGA

JIMMY SANTOS

JOSE MANALO

PAOLO BALLES

RYZZA MAE

RYZZA MAE DIZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with