Kinontrata lang na pang-display: ‘Relasyon’ ng sexy star sa mayamang dyowa, may bayad!
MANILA, Philippines - Nakakatawa naman ang tsismis sa isang female celeb na may boyfriend na mayaman daw. Idini-display ng celeb ang dyowa niya sa mga okasyong pinupuntahan niya. Pero pinagdududahan ng nakakita sa lalaki ang kasarian nito base na rin sa hitsura at pananalita.
Ang tsismis, kinontrata lang ng lalaki si celeb upang maging dyowa at mai-display sa mga function na pinupuntahan nila. Datung daw ang kapalit ng pagsasama nila sa mga lakaran.
Obvious naman daw kasi ang kabadingan ng lalaki kaya walang maniwala na magsyota sila.
Heto ang latest tsismis. Tapos na raw ang kontrata ni female celeb para maging dyowa, huh!
Nasikmura man ni female celeb ang lalaki, nabigyan naman siya ng datung na kailangang-kailangan niya ngayon.
Lani ibinubuhos ang pagmamahal sa araw ng mga puso
Mahalagang araw ang VaÂlentine’s Day kay Congresswoman Lani Mercado. Kaya naman, lagi niyang isiniselebreyt ito kasama ang asawang si Sen. Bong Revilla, Jr. Wala raw pakialam ang kongresista sa ibang araw basta sa Araw ng mga Puso, kailangang magkasama sila ng senador!
Dumaan si Cong. Lani sa Wednesday Club upang bigyan ng regalo si Tito Alfie Lorenzo na hindi nila napuntahan ng mag-asawa nung birthday party nito sa Imperial Hotel sa Quezon City.
Galing pa sa Bacoor, Cavite si Lani na nagsimba kaugnay ng Ash Wednesday.
Ibinalita niyang araw-araw ang taping ni Sen. Bong ng Indio. Wala raw kasing mabigat na trabaho sa Senado kaya buhos ang oras niya sa GMA epic serye.
Pagdating naman sa career niya bilang kongresista, walang mabigat-bigat na kalaban si Cong. Lani. Maganda rin ang resulta ng surveys sa kandidatura niya. Pero dahil Mahal na Araw ang simula ng kampanya, after Easter Sunday na siya magsisimulang mangampanya dahil base sa experiences niya, wala pang masyadong tao sa kanilang bayan sa araw na ’yon.
- Latest