^

PSN Showbiz

Ervic at Rich tuloy ang relasyon!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Bukas sa Sarap Diva ay bubuksan ni Regine Velasquez ang kanyang Ga-Reg Sale para sa mga avid fans nito.

Bukas ito sa lahat na gustong bumili ng mga prized possessions ng Songbird na ang kikitain nito ay mapupunta sa  Kapuso Foundation.

Kasama rin ni Regine sina Camille Prats at Jolina Magdangal na magsi-share ng kanilang specialty na recipe.

Ipapatikim ni Jolens ang kanyang On-the-Go Grilled Pork Ribs at Breaded Chicken with Mocha Sauce naman ang kay Camille.

PAK : Totoo bang hanggang ngayon ay tuloy pa rin pala ang relasyon nina Ervic Vijandre at Rich Asuncion? 

Reliable ang nagkuwento sa amin, nag-break sila, pero naayos naman pala at nagkasama pa sila sa Aso ni San Roque kaya madalas silang nagkikita roon, at muling nagkadebelopan.

Malalaman natin ‘yan kung tutulong si Rich sa pangangampanya kay Ervic na tatakbo palang konsehal sa district ng Taguig.

Kaya lang may kuwento sa amin ang aming source na isa raw sa kanila ay hinding-hindi pa rin makakalimutan ang una niyang minahal.

Ayaw lang sabihin sa amin kung si Ervic ba ito o si Rich.

BOOM: Tinutukso pala sina Heart Evangelista at Chris Tiu kapag magkasama silang nagti-taping sa programa nilang Wattajob.

Bagay kasi ang dalawang host na ito kaya tinutukso silang puwedeng ma­ging love team.

Tahimik lang ang dalawa dahil alam naman ni Chris na merong Sen. Chiz Escudero si Heart.

Nakarating na nga ito kay Sen. Chiz, pero wala siyang reaksiyon dahil hindi naman daw siya nagseselos. Wala raw selosan sa kanilang dalawa.

BREADED CHICKEN

CAMILLE PRATS

CHIZ ESCUDERO

CHRIS TIU

ERVIC

ERVIC VIJANDRE

HEART EVANGELISTA

JOLINA MAGDANGAL

KAPUSO FOUNDATION

MOCHA SAUCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with