^

PSN Showbiz

Ekstra hinihintay na sa Cannes

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Inaasahan naman ng lahat na mapapasok sa mga film festival sa abroad ang Ekstra, ang indie film na tinatampukan ni Gov. Vilma Santos.  Kaya nga marami ang gumagawa ng indie dahil hindi man ito tinatangkilik nang husto dito sa atin, nag-uuwi naman ang marami nito ng karangalan from foreign filmfest.

With the governor in the film, asahan na mas mahilab ang Ekstra sa maraming indie na nagawa na. 

Ngayon pa lamang ay inaasahan nang hindi mabibigo ang Cannes Filmfest sa paghihintay sa Ekstra para makabilang sa mga susuriin nila.

Pinoy Kardinal lubhang bata para maging Pope

Nakakalungkot talaga ‘yung ginawang pagre-resign ni Pope Benedict XVl. Pero nakakatuwa namang malaman na isang cardinal na Pinoy si Kardinal Luis Antonio Tagle ay malaki sana ang tsansang pumalit sa kanyang puwesto pero, kung ibabase sa kasaysayan pawang mga cardinal sa European countries ang napipili.

 Bukod dito at age 55, maitutring na napakabata pa ng Kardinal na Pinoy para maging Papa na hindi ko mawari kung bakit nga kailangang may edad na ang kuning Papa, tuloy nahihirapan na itong gampanan ang  napakarami niyang gawain sa tao at simbahan.

Kulay ng balat malaking isyu na

Kailan naman na­ging konsiderasyon sa pagiging­ isang mahusay na lingkod bayan ang kulay ng kanyang balat? Nagsisimula na kasing patulan ni bise presidente Jejomar Binay ang patutsada ng administrasyon sa kanyang “complexion”. Wala bang magagawa si P-Noy para hindi maging ganito ka-personal ang takbo ng kampanya?

Kabilang ba ang pamimintas sa hindi magandang paraan para makakuha ng boto sa sinasabi niyang pagtahak sa matuwid na landas.

BUKOD

CANNES FILMFEST

EKSTRA

JEJOMAR BINAY

KARDINAL LUIS ANTONIO TAGLE

PINOY

PINOY KARDINAL

POPE BENEDICT

VILMA SANTOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with