^

PSN Showbiz

Sunshine wala nang urungan ang pakiki-paghiwalay kay Cesar

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mataas ang rating ng pilot episode ng bagong afternoon drama ng GMA 7 na Bukod Kang Pinagpala na nagsimula nung nakaraang Lunes.

Sa NUTAM household ratings ay nakapagtala ito ng 14.1 percent.

PAK: Inamin ni Lovi Poe sa interview sa kanya ni Tim Yap na may maganda silang pagtitinginan ni Jake Cuenca.

Pero sa taping naman ng Yesterday’s Bride, ang sweet naman nila ni Rocco Nacino.

Nang tinanong namin ang da­lawa tungkol sa namamagitan sa kanila, close friends lang daw sila pero posibleng ma-develop naman daw sa mas malalim na relasyon.

Pero mas nakatutok daw sila sa trabaho at tinitiyak ng dalawa na kahit matatapos na ang taping ng kanilang afternoon drama, mananatiling close friends pa rin daw sila.

BOOM: Makahulugan ang huling ipinost ni Sunshine Cruz kahapon pagkatapos magsalita ni Cesar Montano tungkol sa isyung hiwalayan.

Sabi nito; “Never confuse fiction to a nonfiction, left and right esp. the difference between the truth and a lie. Good morning everyone.”

Nakausap si Sunshine ng ilang malalapit na kaibigang movie press at sa tono ng mga sagot nito, mukhang itutuloy nito ang pakikipaghiwalay.

Kaya nga raw nakikipag-usap ito sa kanyang manager na si Tito Alfie Lorenzo dahil gusto raw nitong magpaka-active uli sa showbiz.

BUKOD KANG PINAGPALA

CESAR MONTANO

JAKE CUENCA

LOVI POE

PERO

ROCCO NACINO

SUNSHINE CRUZ

TIM YAP

TITO ALFIE LORENZO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with