^

PSN Showbiz

Ate Guy biglang bumagsak, blood pressure umabot sa 200!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patutunayan ng TV5 na kaya nilang makipagtagisan sa mga kalabang istasyon sa pagbibigay ng dekalidad na drama. Ngayong gabi na magsisimula ang Never Say Goodbye, 7:30 p.m.

Ipinagmamalaki ng Kapatid Network ang mga bigating artistang tampok sa programa na pinangu­ngunahan ni Superstar Nora Aunor. Ang TV5 Talent Center head naman na si Mac Alejandre ang direktor ng proyekto.

Mala-pelikula ang mga eksenang kinunan pa sa Benguet at Baguio City, ayon kay Direk Mac at mapapanood ang mga mabibigat na scenes nina Ate Guy, Cesar Montano, Alice Dixson, at Gardo Versoza. Ipinakikilala rin sa Never Say Goodbye ang Artista Academy winners na sina Vin Abrenica at Sophie Albert, pati na ang young actor na si Edgar Allan Guzman.

Ang kuwento: Ipinagkasundong ipakasal si Kate (Sophie Albert) ng kanyang inang si Criselda (Alice Dixson) kay Troy (Edgar Allan Guzman) bilang kabayaran sa pagkakautang. Sa pagpunta ng dalaga sa Baguio upang magtago, makikilala niya ang binatang si William (Vin Abrenica). Sa kagustuhang matulungan si Kate, nagtungo ang dalawa sa Benguet.

Ang hindi nila alam ay malalim ang sugat ng nakaraan na iniwan sa kanilang mga magulang. Naipakulong na ni Criselda ang ina ni William na si Marta (Nora Aunor) sa krimeng hindi ginawa. Kinuha rin ni Criselda ang nobyo ni Marta na si Javier (Cesar Montano). Makikilala ni Marta si Dindo (Gardo Versoza) na tatayong ama ng kanyang pinagbubuntis kay Javier. 

Dahil sa mapait na nakaraan, pagbabawalan ni Marta ang relasyong William at Kate.

Maipaglalaban ba ng dalawa kanilang pag-ibig? May puwang pa ba ang pagpapatawad sa puso ng taong lubos na nasaktan?

Dapat ay noong isang linggo pa ito ipinalabas pero naurong dahil nga naging madalas ang pagkakasakit ni Ate Guy at kinailangan pang baguhin ang script para magtuluy-tuloy ang taping nila.

Nauna nang sinabi nI Direk Mac na nilalagnat, nawawalan ng boses, at hinahapo si Ate Guy noong nagti-taping sila kaya kinailangan pang mag-standby ang paramedic sa taping.

At sa isang interview, nabanggit din ni Ate Guy na na-high blood din pala siya as in umabot sa 200 over 120 ang blood pressure niya.

“Hilung-hilo na ’ko. Bigla na lang akong bumagsak at isinugod sa ospital,” sabi niya sa interview ng TV5.

Pero sinabi niyang wala naman daw dapat ipag-alala ang fans dahil wala siyang malalang nararamdaman.

“Wala namang seryoso. Pahinga lang siguro. Alam mo naman ’yung mga bata. Alam mo naman ako, thirty nine (years old). Paminsan-minsan kailangang magpahinga,” sabi niyang pabiro pa sa interview ng TV5. Halos 60 years old na siya.

Nauna ko nang nabanggit na pinagtsitsismisan na umano’y merong COPD (chronic obstructive pulmonary disease) ang Superstar. Pero tsismis lang naman. Nakukuha ang ganitong sakit sa paninigarilyo.

Machete nagkita-kita sa Never…

Napansin n’yo ba, magkasama ang dalawang original Machete sa Never Say Goodbye – Gardo Versoza and Cesar Montano — at kasama ang kapatid ng bagong Machete (ang pinakahuling gumanap) na si Aljur Abrenica, kuya ni Vin?

John mas nagmukhang pandak sa malaking katawan

Mas lalong naging mukhang pandak si John Prats sa bago niyang katawan.

Kitang-kita kasi na grabe ang naging work out ni John kaya naman, lumaki ang katawan niya. Ang en­ding hindi bumagay sa height niya.

 

vuukle comment

ALICE DIXSON

ATE GUY

CESAR MONTANO

CRISELDA

DIREK MAC

EDGAR ALLAN GUZMAN

GARDO VERSOZA

MARTA

NEVER SAY GOODBYE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with