^

PSN Showbiz

Kris sasabak na rin sa indie

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Mukhang gagawa na rin ng indie film si Kris Aquino dahil may film offer sa kanya si director Jun Lana. Ang dinig namin, magmi-meeting sa papasok na linggo ang dalawa tungkol dito, pero bago magkita, nabasa na ng TV host-actress ang storyline ng pelikula.

Tweet nito: “Direk Jun’s belief in me as actress was such a God send. Loved the storyline! Sana matuloy!”

Dumating ang offer ni director Jun Lana na med­yo sad si Kris dahil starting tomorrow, 10:50 p.m., na ang time slot ng Kailangan Ko’y Ikaw  at nag-decide siyang last teleserye na niya ito.

Dingdong mabubuntis si Max

Ayaw talagang sabihin ni Dingdong Dantes kung magkano niya binili ang black Maserati car niya, mag-research na lang daw kami sa Internet at ma­la­laman namin.

January pa pala ang Ma­serati ni Dingdong, ibig sabihin, naunang duma­ting ang car niya sa Mercedez Benz GLK 220 ni Marian Rivera. Sigurado ring hindi sasabihin ng aktres kung magkano niya binili ang MB.

Samantala, sa March 15 na ang ending ng Pahiram Ng Sandali. Pinakamabigat na experience ito ni Dingdong dahil sa mga mabibigat na eksena at drama. Nag-spoiler na si Dingdong na mabubuntis niya ang karakter ni Max Collins.

Wala pang alam na next project si Dingdong at nababalita pa ngang lilipat siya ng network. Pelikula muna yata ang gagawin niya dahil nabalitang may movie sila ni Anne Curtis sa Viva Films at may Tiktik 2 na parang pang-Metro Manila Film Festival.

Cynthia Villar hindi nagbibitbit ng maraming alalay pag nag-iikot sa probinsiya

Sinagot ni former Las Piñas Representative Cynthia Villar ang tanong kung bakit sa ilalim ng tiket ni President Noynoy Aquino siya tumatakbong senador gayung nakalaban ito ng husband niyang Sen. Manny Villar before?

“Kami ay inimbita sa coalition at 2010 politics pa ‘yun, tapos na ‘yun. Mabait siya kay Sen. Villar at sa Nacionalista Party. Marami kaming advocacy at reforms na suportado niya. Masaya kami sa samahan namin ngayon. Kami ay mga taong moving on at tumitingin sa bright side of the future,” sagot ni Mrs. Villar.

Nakakainggit si Mrs. Cynthia dahil halos naikot na ang buong Pilipinas at ginagawa niya ang pag-ikot hindi lang ‘pag campaign time, kundi para sa pagpapalaganap ng Hanep Buhay at ‘pag siya’y naiimbitahan. Ang maganda sa kanya, wala siyang bodyguards ‘pag umaalis at isang tagabuhat ng mga gamit lang ang kasama.

ANNE CURTIS

CYNTHIA VILLAR

DINGDONG DANTES

DIREK JUN

HANEP BUHAY

JUN LANA

KAILANGAN KO

KRIS AQUINO

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with