Kanta Pilipinas, may winner na!
MANILA, Philippines - Bagama’t tapos na at may winner nang napili, ipinagmamalaki ng TV5 ang pinakabago at pinakamalaking reality singing search nila na mag-uumpisa na sa Sabado, ang Kanta Pilipinas.
Alamin kung sino sa kanila ang Nagkamit ng music stardom at grand prize package na isang milÂyong piso at recorÂding contract. Pero kahit tapos na ang nasabing search, ayon kay Mr. Perci InÂtalan, hindi naÂbawasan ang excitement na mapapanood sa eeÂre nilang tagisan ng galing sa pagkanta.
Namili sila ng 24 finalists na galing sa libu-libong nag-audition mula Luzon, Visayas at Mindanao.
Mapapanood bilang host ng Kanta Pilipinas ang iniidolong solo artist/composer/producer na si Rico Blanco, samantalang judges naman ang award-winning musician, ang Maestro na si Mr. Ryan CaÂyabyab at ang nag-iisang Asia’s Nightingale na si Ms. Lani Misalucha.
Abangan kung paano nila huhubugin ang 24 finalists para maging ganap na singing superstars.
Nag-ikot sa buong bansa para pumili ng pinakamagaling na mang-aawit sina Jimmy Antiporda, Vehnee Saturno, Jamie Rivera, Erickson Raymundo ng Cornerstone, Maristel Fernandez, Bituin Escalante at Arnee Hidalgo.
Alamin kung sino ang nanalo kina 5az1, Adrian Tabaldo, Allan Gonzales, Allison Gonzales, Chadleen Lacdo-O, Daniel Grospe at JB LanÂdrito, Dea Formilleza, Esther Martinez, Ferns Tosco, Gian Carlo Baldonido, Gregory Llamoso, Haizel Fernando, Isaiah Antonio, Jacob GaÂyanelo, Janeth Gomez, Jeniffer Maravilla, Nicole at Carlo David, Pia Diamante, Raz Mendoza, Ricky Deloviar, Rochelle Merced, Thara Jordana, TimoÂthy Pavino at Zari Bilon?
Ang Kanta Pilipinas ay line-produced ni Marvin Agustin at sumailalim sa musical direction ni Jimmy Antiporda. Ang theme song naman ay kinanta ni Lea Salonga.
- Latest