^

PSN Showbiz

Kasarian ng lalaking kasama sa Top 4 ng MasterChef Pinoy Edition, pinagdududahan!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Sa isang larangan nga naman na pinaghaharian ng mga babae, kaduda-duda na ang isang lakaki na bukod sa may itsura ay maga­ling pang magluto.

Hindi nakapagtataka na may kumuwes­­­t­yon sa kasarian ni JR, isa sa top 4 finalist ng Master­Chef Pinoy Edition na magtatapos sa Sabado, sa pamamagitan ng isang cook off na nakatakdang maganap sa Skydome ng SM North Edsa sa ika 10 NU.

Bukod sa pagiging isang finalist ni JR na may tsansang makapag-uwi ng P1M at isang diploma Program for Professional Culinary Arts Scholarship, may girlfriend si JR na tulad niya ay umaasa rin ng panalo dahil pagkatapos ng paligsahan ay magpapakasal na sila. Isa rin itong miyembro ng banda, ang Israfel na pansamantalang nahinto sa kanilang mga gig simula nang pumasok si JR sa bahay na kung saan ginaganap ang pagsasanay nila bilang MasterChef.

Maaring magkakaiba ang istilo sa pagluluto  at ang paboritong lutuin ng apat pero, nagkakaisa sila sa kagustuhang maipagluto at mapatikim ng kanilang niluto si P-Noy. At lahat sila, mga audition pie­ces nila (Sinigang na Lechon Kawali for Carla; Pineapple Curry Rice with Spiced Pineapple Dessert ni Ivory; Patong Patok ni JR at Heartfull Appetizer ni Myra) ang gustong ipatikim sa Pangulo ng Pilipinas.

Sa apat, pinaka-confident si JR na mananalo. Hindi naman pumapayag ang tatlo pa niyang kalaban dahil mas may eksperyensiya sila kaysa sa kanya. Si Carla nga naniniwala na nakaaangat siya dahil mas magaling siyang mag-bake kaysa rito. Si Myra naman ay nabibigyan din ng confidence ng kanyang matagal nang pagluluto para sa kanyang pamilya samantalang si Ivory naman is proud of the fact na nakapagluluto siya ng ma­sarap na pagkain kahit hindi siya gumamit ng mga pampalasa tulad ng bawang at sibuyas.

Ang magiging kauna-unahang Pinoy MasterChef ay pipiliin nina Kris Aquino at Richard Gomez habang ang titikim ng mga iluluto nila ay sina Judy Ann Santos at Chefs  Fern, Lau, at Jayps.

Daniel ang lakas ng loob na mag-Araneta

Tama kaya ‘yung desisyon ni Daniel Padilla na mag-concert na agad-agad sa Smart Araneta? Para kasing napakaaga pa para niya gawin ito. Granting na marami na silang fans ni Kathryn Bernardo, pero manonood ba ang mga ito para mapuno ang venue?

CHEF PINOY EDITION

DANIEL PADILLA

HEARTFULL APPETIZER

JUDY ANN SANTOS

KATHRYN BERNARDO

KRIS AQUINO

LECHON KAWALI

NORTH EDSA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with