^

PSN Showbiz

Paramedic parati ring nakaabang, grabe ang sakit? Ate Guy totoong nawawalan ng boses, hinahapo at nilalagnat pag nasa taping

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inamin ni Direk Mac Alejandre na nagkaprob­lema nga sila kay Nora Aunor sa taping ng teleser­yeng Never Say Goodbye dahil sa madalas nitong pagkakasakit.

“Sumasama na ang boses niya pag medyo hapon na, nawawala. Nagiging horse. Hinahapo,  nagkakalagnat siya kaya parating may nakaabang na paramedic,” kumpirma ni Direk Mac kahapon nang humarap siya sa ilang member ng media para sa promo ng Never Say Goodbye na tanging sila lang nina Alice Dixson at Gardo Versoza ang present.

“Wala kaming magagawa kung may sakit siya,” dagdag ni Direk.

Dahil sa madalas na pagkakasakit ni Ate Guy, kinailangan nilang ayusin ang script at bawasan ang mga eksena ng superstar. “The production had to adjust, nabawasan ang mga eksena niya dahil kailangan niyang magpagamot,” say ni Direk.

Sa kabuuan, two to three days ang nawalang mga eksena kay Ate Guy na ayon naman kay Direk Mac ay hindi naman talaga ‘yun kahabaan. “Ginawan lang namin ng paraan. Hindi naman ganun ka-substantial ang mga nawala.”

“Pag gabi na nagbabago na talaga ang boses niya,” ulit niya.

Eh sobrang lamig pa sa lugar na pinagso-shootingan nila tulad sa Benguet at Tanay. Kaya hindi na kinakaya ni Ate Guy.

Nasaan nga ba si Ate Guy, bakit wala siya sa presscon?

“May kasabay na event, alam ko for TV5 din,” sabi niya.

Wala pa raw sinasabi ang doctor at hinihintay nila ang findings.

Pero pinagdiinan ni Direk Mac na hindi sinipa si Ate Guy bilang isa sa mga bida sa bagong serye ng TV5 at pinalitan ni Eula Valdez na napabalita kamakailan. “Walang ganun, hindi papasok si Eula Valdez. Si Eula Caballero lang ang nag-portray ng character ni Ate Guy sa flashback,” pagka-klaro ng director na dating taga-GMA 7.

Anyway ang hindi namin naurirat kay Direk ay ang malisyosang kuma­kalat na balitang meron daw COPD (chronic obstructive pulmonary disease) si Ate Guy.

Ang sinasabing sakit na ito ang ikinamatay ni Tito Dolphy kamakailan. Stage 2 daw si Ate Guy. Daw lang dahil tsis­mis lang nga.

Lahat daw kasi ng mga signs ay ina-identify sa mga nararamdaman ni Ate Guy sa kasalukuyan.

Matagal nang kumakalat ang malisyosong balitang ito.

Going back, Never Say Goodbye, kinunan sa beautiful locations ang Never Say Goodbye na pinagbibidahan din nina Cesar Montano, Alice Dixson, Gardo Versoza at Ate Guy nga. Kasama rin sa proyekto ang Artista Academy winners na sina Vin Abrenica and Sophie Albert. Eere ito simula sa February 11.

Toni Gonzaga, kumpirmadong host ng the voice of the Philippines

 Pormal nang ipinakilala si Toni Gonzaga bilang host ng The Voice of the Philippines, ang Philippine adaptation ng worldwide hit singing competition na The Voice, na mapapanood sa ABS-CBN. Makakasama niya bilang co-host si Robi Domingo.

“Ito ay isang singing competition na may kakaibang konsepto. Ipapamalas namin dito ang husay ng mga Pilipino sa larangan ng pag-awit sa paraang hindi ninyo pa nakikita sa telebisyon,” pahayag ni Toni kahapon.

Si Toni ang magiging Pinoy counterpart ni Carson Daly na siya namang host sa US edition kung saan celebrity coaches sina Christina Aguilera, Adam Levine, Cee Lo Green, at Blake Shelton.

At kung may host na, wala pa namang kumpletong bumubuo ng mga local coaches except for Sarah Geronimo. Siya pa lang ang pinapangalanan. Pero ayon kay Toni, ikagugulat ng lahat ang iba pang coach ng The Voice of the Philippines.

Ang The Voice ay isang naiibang singing competition dahil sasalain ang mga papasa sa auditions nito base lang sa boses at husay umawit ng contestant. Ang unang stage ay tinatawag na “blind auditions” kung saan kailangan pakinggan ng apat na coaches ang bawat contestant nang hindi humaharap dito. Sa oras na nais ng coach na kunin at mapabilang sa kanyang team ang contestant, pipindutin niya ang kanyang button at iikot ang kanyang upuan para makita ang mukha sa likod ng boses na nakabihag sa kanya.

Kailangan mamili ang bawat coach ng contestants para mabuo ang kanilang koponan. Gagabayan nila bilang coach ang bawat mapipili nila at pagsasabungin ang magkakagrupo sa second round na tinatawag na “battle rounds.”

Matapos ang pagalingan sa pag-awit sa naturang round ay pipili ang coach ng singer na uusad sa susunod na labanan— ang live performance shows. Sa round na ito, taong bayan na ang pipili at sasagip sa kanila mula sa eliminasyon sa pamamagitan ng pagboto. Sa huli, ang bawat coach ay may tig-iisang manok na matitira na paglalaban-labananin sa grand finals.

Mother Lily may wish sa birthday ni P-Noy

Matagumpay ang naging operation ng growth sa baga ni Mother Lily Monteverde ka­hapon.

Hindi lingid sa kaalaman ng mga taga-showbiz na kasalukuyang may pinagdaraanan ang Mother ng lahat sa showbiz.

Three days bago ang kanyang operation ay sinorpresa siya ni Presidente Noynoy Aquino sa kanilang bahay sa Greenhills.

Ayon sa anak ni Mother Lily na si Ms. Roselle, kasamang dumalaw ng presidente si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas at nag-usap-usap sila for hours.

Ayon pa kay Ms. Roselle, Mother Lily was so touched by the gesture and is grateful for the President’s display of love and concern.

In return, Roselle said, Mother Lily has this wish for P-Noy, who marks his birthday today, Feb. 8: That he extends service to the Filipino people for another term considering his valuable performance and excellent contribution to the improvement of the country’s economy.

Narito ang statement ng pamilya ni Mother:

 â€œWe’re so thankful to all our friends and relatives for their support and prayers. They stood by Mother during the time she was diagnosed. She felt so much love and care which made her really strong and hopeful. She is undergoing her surgery this morning.  Let’s pray for a good outcome of her operation and speedy recovery.

“One of the most important persons that really made a difference was the presence of the President with Sec.. Mar Roxas. Mother was so enlightened uponknowing of the President’s visit. She couldn’t believe it that a person so powerful will have time to visit her.

“Last Monday, President went to the house with Sec. Mar Roxas to visit Mother before her surgery.

“Mother said ‘he really touched my heart. I wish Pres Noy can still continue for a second term. He is very dedicated, full of integrity, God-fearing, hardworking and very trustworthy. Our country needs a leader like him. We need a leader like the President  to inspire the youth and for the country to move forward.

“Happy Birthday my dear President  Noy.” 

Samantala, nagsama-sama ang ilang mga kaibigan ng lady producer last Wednesday evening for a Mass at the Imperial Palace Suites, specifically organized for her quick recovery.

Kasama sa mga dumalo ang anak ni Mother Lily na si Meme, Annabelle Rama, director Joel Lamangan, TV5 exec Perci Intalan, TAPE, Inc. SVP and COO Malou Choa-Fagar, GMA-7 exec Redgie Acuna-Magno, talent managers Manny Valera, June Rufino, Ethel Ramos, Norma Japitana, Alfie Lorenzo and Girlie Rodis,Startalk host-entertainment editor Ricky Lo, Veana Fores,  Vice Mayor Pong Mercado, actor Ricky Davao, scriptwriter Jake Tordesillas and other friends from the entertainment press.          

ATE

ATE GUY

DIREK MAC

GUY

MOTHER

MOTHER LILY

NEVER SAY GOODBYE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with