EMHE Philippines, pasok sa 2013 New York Festivals
MANILA, Philippines - Kamakailan lang ay inanunsiyo ng TV5 na nakapasok ang Extreme MakeÂover: Home Edition (EMHE) Philippines bilang Finalist sa prestihiyoÂsong New York Festivals. Daan-daang entries mula sa higit 50 mga bansa ang nakasama sa evaluation phase ng festivals kaya’t isang napakalaking karangalan para sa Kapatid Network na ma-shortlist ang EMHE Philippines bilang Finalist.
“Natutuwa kami na nakapasok as Finalist sa New York Festivals ang EMHE Philippines. PinagmaÂmalaki ng TV5 kung paano naÂkatulong ang programa sa mga deserving na pamilya at komunidad sa iba’t ibang bahagi ng bansa,†sabi ni TV5 FVP for Creative and EntertainÂment Production Perci Intalan. “Dagdag-moÂtivation ang paÂraÂngal na ito para pagbutihin pa namin ang paglilingkod sa ating mga Kapatid na manonood,†dagdag niya.
Napatunayan ng programa na kayang makapagbago ng buhay ang pagkakaroon ng bagong bahay. Bawat episode ng EMHE Philippines, natutuluÂngan ang piling mga pamilya at komunidad na makapagsimulang-muli.
Pinangungunahan ang programa ng batikang TV host na si Paolo BeÂdiones, kasama ang Design Team ng programa: sina Tessa Prieto-Valdez, Divine Lee, Tristan Jovellana, Marilen Faustino-Montenegro, at Joby Belmonte.
Malalaman kung sino ang mga mananalo sa Festivals sa darating na Abril.
- Latest