Daniel ang bilis ng asenso
Wala nang pagkapigil pa sa mabilis na pag-asenso ni Daniel Padilla. Hindi lamang ang mga role niya ang lumalaki at nagiging mahalaga. Pati ang mga komersiyal at endorsements niya, print man o TV ay sunud-sunod na. Mula sa pinintasang feminine napkin na sinabing hindi bagay sa kanya dahil sa pambabaeng produkto ito, ngayon ay nagdudumilat ang print ad niya para sa isang cell phone.
“Nagtitinda†na rin siya ng isang popular na brand ng fried chiÂcken. Pero pinakamalaking achievement na maituturing ng pinakabatang Padilla na nagpapalaki at nagpapalaganap ng pangalan ng kanyang angkan sa larangan ng showbiz ay ang pagbibida niya sa katatapos na seryeng Princess and I.
Sa biglang pag-imbulog ng kanyang pangalan na sinabayan ng pagdami ng kanyang supporters at fans, walang choice ang Kapamilya Network kundi sa kanya ibigay ang karapatan na makuha ang pagtatangi ng character ni Kathryn Bernardo sa wakas ng istorya.
With all the blessings and good breaks na tinatanggap ng bagong heartthrob, hindi na nakapagtataka na mabilis siyang nakaipon at maipapatayo na ang isang bahay na sarili — para sa kanya at sa pamilya niya.
Gerald magiging senador na!
Matapos mamalas ang napakagandang lovestory ng namayapang hari ng aksiyon na si Fernando Poe, Jr. at ang reyna ng pelikula na si Susan Roces na naging magandang backÂground sa pagsasadula ng naging buhay ng amÂpon ng mag-asawa na si dating MTRCB (MoÂvie and Television Review and ClassifiÂcation Board) Chief Grace Poe Llamanzares na kuÂmakandidatong senador ng bansa ay isa ring senatoriable at reelectionist na si Allan Pater Cayetano ang itatampok sa isa sa mga episode ng most awarded drama anthoÂlogy na Maalaala Mo Kaya.
Hindi lamang si Sen. Allan Peter ang maitutuÂring na kontrobersiyal sa kasalukuyan dahil sa alitan nila ni Senate President Juan Ponce Enrile kundi maging ang gaganap ng kanyang role na si Gerald Anderson na nasa hot water din dahil na-involve sa away ng magkaibigang Kim Chiu at Maja Salvador.
Lahi ng mga De Leon hindi mapapatid sa showbiz
Talaga lang yata hindi mapapatid kina Christopher de Leon at Sandy AnÂdolong ang pagpaÂpaÂlaganap ng kanilang lahi sa showbiz. Bukod kay Gab de Leon na nasa cast ng Teen Gen ng GMA, heto at nagsisimula na ring magparamdam ang daÂlaga nilang si Mariel de Leon na pinakaaabangan ng lahat dahil sa ginawa nitong pagsali sa Bb. Pilipinas beauty paÂgeant.
Ang dalaga at ang kapatid nitong binata ang madalas ay dalawin nina Boyet at Sandy sa abroad. Parehong dun nagsipag-aral ang dalawa. Umuwi lamang dito ang dalaga makatapos mag-aral ng culinary arts at agad namang nakuha para maging contestant sa pangunahing timpalak kagandahan sa bansa.
Charice markado sa Boom
Maganda ’yung role ni Charice sa Here Comes the Boom, mahalaga at markado. Hanggang sa huli ay naroon siya at kapit-kamay pa sila ni Salma Hayek.
Kaya ’yung mga nagsasabing ekstra lamang siya sa Hollywood film ay nagsisinungaling. Isa ang character niya sa nagbigay ng inspirasyon sa gumaÂnap ng bida at prodyuser din (Salma) para ipagpaÂtuloy ang balak niyang pakikipaglaban sa ring para makalikom ng pondo at hindi matanggal ang music program sa eskuwelahang kanyang pinagtutuuran, may shades of Mr. Holland Opus. Solo rin ang paÂngaÂlan ni Charice sa screen.
- Latest