^

PSN Showbiz

Pelikula nina Richard at Marian, naudlot ang showing!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Six more shooting days pa ang My Lady Boss, ang reunion movie nina Richard Gutierrez at Marian Rivera.

Hindi matutuloy ang showing ng My Lady Boss sa Feb. 20 dahil pinagaganda ng husto ng Regal Entertainment, Inc. at GMA Films ang romantic comedy movie ng taon.

Limang taon na ang nakalilipas mula nang magtambal sina Ri­chard at Marian sa BF/GF. Matagal bago nasundan ang project nila dahil pa­rehong na­ging busy ang dalawa.

Si Jade Castro ang direktor ng My Lady Boss. Subok na ang husay ni Jade sa paggawa ng romantic comedy kaya asahan natin na isang feel good movie ang pelikula nina Marian at Richard.

Pilita hindi na nakatiis kay Lotlot

Si Pilita Corrales ang gumawa ng hakbang para magkabati sila ng kanyang es­tranged daughter-in-law na si Lotlot de Leon.

Nangyari ang pagkakasundo ng dalawa noong De­cember 2012 at tuwang-tu­wa si Pilita nang bumisita si Lotlot sa bahay niya sa New Manila, Quezon City.
   All’s well that ends well. Ang mga anak nina Lotlot at Ramon Christopher ang pi­nakamasaya dahil nagkasundo ang kanilang ina at lola. Maluha-luha si Pilita habang ikinukuwento ang pagbabati nila ni Lotlot nang mainterbyu siya ng Startalk staff.

Pagpapatayo ng bagong bahay ni Daniel, mag-uumpisa na

Hindi ko agad nakilala si Karla Estrada nang magkita kami sa Fairview Mall, Quezon City noong Huwebes.

Nagpunta ako sa Fairview Mall para bumili ng aking favorite na bi­bingkinita. Nagulat ako dahil isang babae ang tuwang-tuwa na tumawag sa pangalan ko. Paglingon ko, si Karla pala, ang madir ni Daniel Padilla.

Maraming kuwento si Karla tung­kol sa kanyang sikat na anak. Malapit na raw simulan ang bahay na ipa­patayo nila sa Commonwealth, Quezon City. Nakaipon na si Da­niel at nagpapasalamat si Karla kay Johnny Manahan ng Star Ma­gic dahil sa mahusay na pag-aala­ga nito sa showbiz career ng kanyang anak.

Apat na ang anak ni Karla na dating Regal baby noon. Kasabayan siya nina Sunshine Cruz at Shirley Fuentes. Nag-lie low si Karla sa showbiz nang magkaroon ng pamilya pero naging vi­sible uli sa showbiz nang maging artista si Daniel, isa sa mga hottest young actor ngayon.

Pagbubuntis ng dating dancer na si Izzy, maselan

Buntis na si Izzy Trazona, ang former Sexbomb dancer na asawa ni Alvin Aragon ng Starstruck 1.

Three months pregnant si Izzy at maselan ang pagbubuntis niya sa panganay nila ni Alvin. Madalas na sumasakit ang kanyang puson kaya pinayuhan siya ng doktor ng complete bed rest.a

Malaking-malaki na ang ipinagbago ni Alvin na dating may image na pasaway. Si Alvin ang nag-aalaga sa kanyang misis at dahil active Christian member siya, si God ang bukambibig ng aktor na matagal nang nagbalik-loob sa Diyos.

Protective husband si Alvin kay Izzy. Lalong nadagdagan ang kanyang pagiging protective nang magbuntis ang misis niya.

Kung si Izzy ang tatanungin, baby girl ang gusto niya na maging panganay nila ni Alvin. Maganda raw bihisan ang baby girl.

ALVIN

FAIRVIEW MALL

IZZY

KARLA

LOTLOT

MY LADY BOSS

NANG

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with