^

PSN Showbiz

Inilagay sa gitna ang alalay at nagtalukbong at kunwaring natutulog: Cristine minalditahan ang katabing pilot na gustong magpa-picture

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umiral daw ang kamalditahan ni Cristine Reyes nung lumipad siya patungong Iloilo City para sa ginanap na ASAP. Hindi niya kasabay ang ibang mainstays ng show dahil the day before na siya lumipad kasama ang alalay.

Eh walang business section ang eroplanong sinakyan kaya sa bandang unahan siya nakaupo katabi ang dyulalay. Sa first row din nakapuwesto ang co-pilot pero sa bandang aisle at nasa window side si Cristine kaya nasa gitna ang alalay niya.

Nag-request daw ang co-pilot na magpakuha ng picture with Cristine. Pero hindi raw niya pinaalis ang alalay niya sa upuan. Kaya ang resulta, parang sa alalay nagpa-picture ang co-pilot!

Nang mag-CR naman ang alalay ni Cristine, akala ng piloto ay makakatabi na niya ang sexy actress sa picture. Pero sa halip na pagbigyan ng guy, hayun at nagtalukbong siya ng balabal na kunwari ay natutulog!

Tawa nang tawa na may halong poot ang nakakita sa ginawa ni Cristine. Bulong sa sarili ng nakasaksi sa kamalditahan ng sexy actress, “Wala pa siya sa estado niya upang magmaldita. Hindi naman ordinaryong tao ang humahanga sa kanya, ’no?”

Naku, kung kapamilya nga ni Cristine nagagawa niyang awayin o isnabin, ang ibang tao pa kaya?! (Hahaha, baka naman kasi tito mukhang lolo na ang co-pilot. - Salve)

BULONG

CRISTINE

CRISTINE REYES

HAHAHA

ILOILO CITY

KAYA

NAKU

NANG

NIYA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with