Hinihintay lang mailabas ang bagong pelikula, Sarah at John Lloyd magsasama rin sa sitcom!
Sobrang matutuwa ang fans ng love team nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo sa nabalitaan naming bukod sa pelikulang It Takes a Man and a Woman, magsasama rin sa isang sitcom sa ABS-CBN ang daÂlawa.
Hihintayin lang daw na maipalabas ang last sa triÂlogy movie nina John Lloyd at Sarah at sisimulan na ang sitcom. Sa Black Saturday ang playdate ng balik-tambalan ng dalawa kaya magandang isiping may kasunod na agad silang project.
Ex ni Iza, karelasyon na ni Bubbles
Hindi kami nagkamali ng hinala na sina Bubbles Paraiso at Atticus King na, ang ex-BF ni Iza Calzado, nang makita namin ang picture nilang magkasama sa lifestyle section ng isang broadsheet. Iba kasi ang pagkakahawak ni Atticus sa waistline ni Bubbles at ’yun na, may nagtsika sa amin na item ang dalawa ngayon.
Matagal nang break sina Iza at Atticus at may bago na ring BF ang aktres, walang isyu rito kahit gawing public nina Bubbles at Atticus ang kanilang relasyon. Naka-move on na si Iza at happy ito sa Fil-Brit BF niyang si Ben Wintle.
Zsa Zsa reyna ng mga aswang
May magandang line si Zsa Zsa Padilla sa Juan dela Cruz na tiyak na tatatak sa manonood ng teleserye na magsisimula na sa Lunes, Feb. 4, after TV Patrol.
Sabi nito, “Dinner is served†at sinabi niya ito sa mga kapwa aswang nila ni Albert Martinez. Tao ang inihain ni Laura (Zsa Zsa) sa kampon ng mga aswang.
Queen kasi ng mga aswang si Zsa Zsa, may formality ang bawat kilos at special ang makeup na sa tagal gawin ay kailangan ng pasensiya. Ibang-ibang Zsa Zsa ang mapapanood sa Juan dela Cruz at kitang aliw si Divine Diva sa kanyang role.
Si Albert ang kapareha ni Zsa Zsa bilang Hari ng mga Aswang. Puring-puri ni Zsa Zsa ang aktor dahil very professional. Walang angal o walang reklamo at kaya nagtatagal sa industry. Dapat daw tularan si Albert.
Glaiza tuwang-tuwa sa pagba-bampira
Nabasa namin ang tweet ni Glaiza de Castro na “Matutupad na ang pangarap kong maging bampira soon!†after ng storycon ng comedy show na Vampire ang Daddy Ko. Kasama sa cast ang aktres bilang bampira na ipinagkasundo sa karakter ni Oyo Sotto na isa ring bampira pero hindi sila nagkatuluyan.
Sa huling interview namin kay Glaiza sa taÂping ng Temptation of Wife, nabanggit nitong walang problema kung kontrabida pa rin ang role niya sa next soap niya sa GMA 7, basta maganda ang story at role niya. Pero gusto pa rin niyang mag-try ng ibang role at maÂtsa-challenge siya sa comedy.
Well, dumating na ang hinihintay ni Glaiza at sa husay nitong aktres, siÂguÂradong makakasabay siya sa pagpaÂpaÂtawa nina Vic Sotto, Jimmy Santos, at Pilita Corrales.
Lorna natuto na, ayaw nang makipag-one-night stand
’Kaloka, wala nang ginawa ang karakter ni Lorna Tolentino sa Pahiram ng Sandali kundi umiyak. Hanggang katapusan pa raw ng February ang itatakbo ng istorya ng GMA 7 soap, matagal pang iiyak ang aktres.
Naalala namin ang sinabi ni LT na kailangan niyang uminom ng tubig tuwing matatapos ang crying scene niya dahil kung hindi, mauubusan siya ng tubig sa katawan. Saka kung totoong tao si Janice (her character), tiyak na na-heart attack o ’di kaya’y nabaliw na sa laki ng problema.
“Noong una, tuwang-tuwa ako, ang gaganda nang mangyayari at marami ang makaka-relate sa karakter ko. Hindi ko akalain na sobrang bigat ito. Ang moral lesson ay don’t ever try, don’t ever attempt na makipag-one-night stand ’pag may asawa ka dahil pagbabayaran mo ng malaki,†sabi ni LT.
- Latest