Babaeng binugbog ng kapitbahay, tutulungan ni Tunying
MANILA, Philippines - Tutulong si Anthony Taberna sa paghahanap ng hustisya para sa isang babaeng biktima ng pambubugbog at pagbabanta ng kanyang kapitbahay ngayong araw sa Pinoy True Stories: Demandahan.
Napagbalingan ng galit ng kanyang kapitbahay si Zenaida dahil umano’y sinaktan ng anak ni Zenaida ang anak nito. Suntok sa mukha at katawan, sampal, at masasakit na salita ang tinamo ni Zenaida sa lalaki.
Sasamahan ni Tunying si Zenaida sa isang abogado upang humingi ng legal na tulong at makamit ang hustisya. Mapanagot kaya nila ang abusadong suspek?
Tutukan ang Demandahan ngayon, (Jan 31), 4:45 ng hapon sa ABS-CBN Kapamilya Gold.
- Latest