Alessandra biglang naging misis ni Cesar, Melissa nag-back out din!
Si Alessandra de Rossi pala ang natuloy gumanap sa role ni Amalia Lim, misis ni Manila Mayor Alfredo Lim sa bio-flick na The Turning Cradle: The Untold Story of Alfredo Lim. Nagka-problema kay Melissa Ricks na nang bumisita ang press sa shooting, ito pa ang nabalitang makakapareha ni Cesar Montano.
Nag-shooting na si Alex at kinunan ang first day sa five shooting days niya last January 24. Next siyang nag-report sa shooting noong Jan. 26, Jan. 29 at ngayong Huwebes. Wala pang scheÂdule ang natitirang one shooting day niya.
Biglaan ang pagba-back out ni Melissa, mabuti at mabilis na nakahanap nang ipapalit sa kanya. Pasalamat ang CM Productions at si Cesar na hindi sila nagkaproblema sa pakikipag-usap kay Alex at sa manager nitong si Manny Valera.
Maluwag din ang schedule ni Alex at wala yatang ginagawang indie film at ang Pahiram ng Sandali lang ang ginagawa ngayon sa GMA 7.
Sa February 27, na ang showing ng The Turning Cradle. Kailangang maipalabas ang pelikula bago magsimula ang kampanya para sa nalalapit na elections.
Coco excited na excited kay Eddie Garcia
Excited ang cast ng Juan dela Cruz sa nalamang makakasama nila si Eddie Garcia sa cast. Pinaka-excited si Coco Martin na sa sobrang tuwa, naikuwento sa press ang tungkol dito kahit hindi pa dapat. Si Gina Pareῆo lang yata ang hindi nakakaalam na papasok sa cast ang veteran actor dahil nagulat. Hahaha!
Ayon kay Zsa Zsa Padilla, magaling katrabaho si Eddie, sabi naman ni Albert Martinez idol niya ang veteran actor na naging director niya dati. Excited naman sina Erich Gonzales at looking forward din ang ibang cast to work with him.
Hindi sinabi kung ano ang magiging role ni Eddie, sorpresa siguro, pero nag-pictorial na ito at kuwento nina directors Malu Sevilla at Avel Sunpongco, nagpakuha pa sila ng litrato rito sa pictorial ng veteran actor.
Richard grabeng magmura
Sabi ni Solenn Heussaff, sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati ang magaling sa Seduction, pero sabi ni Direk Peque Gallaga, pare-parehong magagaling ang three major cast ng Regal Entertainment movie na showing simula pa kahapon.
Nagpaka-humble si Solenn dahil ang husay niya sa pelikula, bumagay ang role niya sa kanya pati ang mga linyang napunta sa kanya. Para sa amin at ibang press people na nakapanood sa celebrity screening ng movie, sa mga nagawa niyang pelikula, dito siya pinakamagaling.
Naaliw kami kay Richard sa movie, hindi lang nagpasilip ng puwit, kumanta pa at panay ang pagmumura. Dahil R-13 without cuts ang ratings nito sa MTRCB, lahat ‘yun pati ang maraming love scenes ay mapapanood.
Comedy show ni Vic, wala nang urungan
Kundi na babaguhin ang time slot, Saturday pala at hindi Sunday mapapanood ang bagong comedy show ni Vic Sotto sa GMA 7 na Vampire Ang Daddy Ko. Sa storycon noong Martes, ipinaalam sa cast na March 2, 6:45pm., ang airing nila.
Sa February 5, ang first taping day at tama kami sa una naming nasulat na kasama si Ryzza Mae Dizon at sila ni Vic ang nasa title. Ang iba pang kasama sa cast ay sina Pilita Corrales, Jimmy Santos, Oyo Boy Sotto, Bea Binene Derrick Monasterio, Jinky Oda, at Glaiza de Castro.
Si Bibeth Orteza ang director nito.
- Latest