John Prats umaasang magiging maligaya kay Isabel
Ngayon lang parang pinag-iisip ni John Prats kung naging maligaya siya sa piling ng huling girlfriend na si Bianca Manalo. Ito ba ang pinatutungkulan ng mga pahayag niya? At si Bianca nga ba ang sinasabi niyang nakasakit sa kanya in the past? O si Shaina Magdayao?
Whatever, sana nga maging maligaya siya kay Isabel Oli. Sana matagpuan niya rito ang hinahanap niya sa babae na nahihirapan siyang matagpuan. Good luck na lang sa kanya.
Dennis at Cristine totoong nagkabalikan?
Bakit parang walang tigil ang isyu nang sinasaÂbing balikan nina Dennis Trillo at Cristine Reyes? Sana mas alam na nilang alagaan ang relasyon nila the second time around kung nagbalikan nga sila ha dahil iba naman ang sinasabi ni Cristine.
Daiana Meneses hanggang PR lang ang kasal?
We only wish Daiana Meneses good luck sa kanyang relasyon sa isang congressman. Siya ang unang nag-announce ng kanilang napipintong kasalan na naurong dahil hindi makakadalo ang kanyang ama. sa kaugalian ng mga Brazilian ito ay dapat preÂsent sa kasalan.
Mabait si Daiana at ibinuhos na ang panahon sa paghahanda sa kanyang kasal. Sana matuloy na ito in the near future.
‘Wag naman sanang hanggang press release lang ito. At pagkatapos ng eleksiyon ay hiwalay na rin sila.
- Latest