^

PSN Showbiz

Tanggap na ang pagkakamali Maricel magso-sorry!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Ready na raw si Maricel Soriano na mag-apolo­gize sa ABS-CBN dahil sa nangyari sa taping­ ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin na naging dahilan ng pagkawala niya sa coming soon drama series.

Marami ang agree sa balak ni Maricel na mag-sorry dahil hindi ito kabawasan sa kanyang pagkatao.

Magiging good example pa siya sa ibang tao na hirap na tanggapin ang kanilang mga pagkakamali.

Hindi na kasali si Maricel sa cast ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin dahil pinalitan na siya ni Dawn Zulueta.

 

Galing ni Bong sa Indio hindi lang pang-press release

Nagmamadali ako na umuwi ng bahay noong Lunes mula sa presscon ni Risa Hontiveros dahil hinabol ko ang Indio.

Hindi puwedeng hindi ko panoorin ang episode ng Indio noong Lunes dahil ito ang unang gabi ng paglabas ni Senator Bong Revilla, Jr.

Hindi ko pinangarap na walang maisagot kay Bong kapag tinanong niya ako kung pinanood ko ang kanyang teleserye sa GMA 7.

In fairness to me, inip na inip na ako sa paghihintay sa pag-apir ni Bong sa Indio. Dalawang linggo ang ipinaghintay ko dahil inuna muna ang mga eksena ng mga bagets at teen-ager na Simeon/Malaya.

Base sa reaksiyon ng mga tao, nagustuhan nila ang mga malalaki at magagandang eksena ng Indio. Na-prove nila na totoo at hindi press release na ginas­tusan ng Kapuso Network ang Indio.

Marami ang nag-akala na ‘yon na ang ultimate gastos at effort  pero nagkamali sila dahil mas bongga ang mga eksena nang lumabas na si Bong bilang binatang Indio.   

 

Kampo ni Grace Poe masaya sa pagpasok sa magic 12

Happy ang kampo ni former MTRCB Chair Grace Poe-Llamanzares dahil kasama ang kanyang pangalan sa latest senatoriable survey.

Kabilang na ang pangalan ni Mama Grace sa Magic12 sa Social Weather Stations survey na lumabas noong Lunes.

‘Tuwang-tuwa si Renzo Cruz kaya ipinagmalaki niya agad sa lahat ang good news tungkol sa kanyang pinsan. Nakatulong sa survey ang mga TV ad ni Mama Grace dahil nalaman ng lahat na kandidato siya sa pagka-senador sa nalalapit na eleksiyon.

Kasali si Mama Grace sa mga senador na iboboto ko dahil alam ko na malaki ang maitutulong niya sa ating bayan. Siya ang magpapatuloy sa mga pangarap ng kanyang namayapang ama, ang nag-iisang Hari ng Pelikulang Pilipino, si Fernando Poe, Jr.

 

Seduction showing ngayon

Good luck sa cast ng Seduction ng Regal Entertainment Inc. dahil sho­wing ngayon sa mga sinehan ng kanilang pelikula.

Maganda ang playdate ng Seduction dahil ngayon ang araw ng suweldo. May datung ang mga tao na gustong mag-relax sa pamamagitan ng panonood ng sine. Ang Seduction ang opening salvo sa 2013 ng movie outfit ni Mother Lily Monteverde na passion ang pagpo-produce ng mga pelikula.

vuukle comment

ANG SEDUCTION

BUKAS NA LANG KITA MAMAHALIN

CHAIR GRACE POE-LLAMANZARES

DAHIL

DAWN ZULUETA

INDIO

MAMA GRACE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with