^

PSN Showbiz

Rufa Mae abalang-abala sa martial arts at boxing

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Aligaga pala ngayon si Rufa Mae Quinto sa iba’t ibang klase ng training  at preparations para sa re-launching movie niyang Hu­ling Henya under Viva Films.

Yup, magkakaroon ng re-launching movie ang sexy actress at in fairness hindi raw bobo ang role ni Rufa Mae sa Huling Henya dahil may magka-action-drama ito. Ibang-ibang Rufa Mae ang mapapanood dito ayon pa sa sexy actress. Kaya naman abalang-abala siya sa pagti-training ng martial arts at boxing.

Bago ang Huling Henya, makikita ang ‘pagbabago’ ni Rufa Mae sa pelikulang Love To Ride na malapit nang ipalabas. Kasama niya sa movie si Jacky Woo under Regal Films.

At kahit nung mga nakaraang linggo ay napanood siya sa mga programa ng ABS-CBN, tuloy naman ang paglabas niya sa Bubble Gang ng GMA 7.

Hindi lang namin natanong kung kumusta ang love life niya. Basta ang isang malinaw, wala palang nangyari sa kanila nang makarelasyon niya ang isang singer. Hanggang church lang pala sila.

 

Richard nanggulat!

Nayanig ang buong opisina nang Pilipino Star NGAYON at Pang Masa sa biglang pagdalaw ni Richard Gutierrez last Friday. Gulat na gulat silang makita ng personal ang actor. Kaya naman hindi magkandaugaga ang maraming kaopisina ko sa pagpapa-picture sa bida ng Seduction.

Ang nasabing pagbisita ni Richard ay bahagi pa rin ng promo ng pelikula niyang ipalalabas simula ngayong araw, ang Seduction, kasama sina Solenn Heussaff at Sarah Lahbati.

By the way, graded B ng Cinema Evaluation Board ang Seduction na dinirek ni Peque Gllaga.

 

Heart hindi na gaanong nakadikit kay Chiz

Hindi na gaanong nakadikit ang pangalan ni Heart Evangelista kay Sen. Chiz Escudero. Ang mas pinag-uusapan ngayon ay ang pagho-host niya sa Kris TV. Kung sabagay matapos lang ang May 2013 elections, puwedeng-puwede na siyang pakawalan sa sariling programa. Parang kaya nang mag-handle ng sariling talk show ng senador.

Mahusay na siyang mag-host sa true lang, sanay na sanay na. Hindi na nagba-buckle at walang kakaba-kaba.

Kaya nga sa tuwing magiging co-host siya ni Kris Aquino sa KrisTV, maraming naaaliw sa kanya. Bukod pa ito sa magaling talaga siyang magbigay ng opinion at lumalabas ang pagiging abogado niya.

“Nagpapasalamat ako kay Kris dahil binigyan niya ako ng pagkakataon. Matagal ko na itong gustong gawin. Enjoy eh. Walang pressure. Hindi mga problema ang iisipin mo at pag-uusapan,” simulang kuwento ng senador na nangu­nguna sa mga survey.

July last year nang pumasok siya sa programa bilang co-host ng Queen of All Media. Hindi siya nag-adjust at na-excite ang televiewers sa bagong combination ng dalawa. 

Pero kinailangan niyang magpahinga pagdating ng October dahil filing ng candidacy at for delicadeza, nagpaalam siya.

Kaya lang iba talaga ang dating pag silang dalawa ni Kris, kaya noong December ay bumalik siya.

At iisa ang sinasabi ng mga nakakapanood sa kanya, malaki ang potential na magkaroon si Sen. Chiz ng sariling programa.

 â€œParang wala sa pagho-host ang calling ko. Nasa public service. Pero tingnan din natin,” natatawang sagot niya nang sabihin na mas komportable na siya sa pagho-host.

Samantala, kinaaliwan ngayon sa YouTube ang Oppan Gangnam Chiz. Kasama ang nasabing video sa introduction nang maimbitahan siya sa Rotary event last January 10. “Nagulat ako dahil talagang nag-effort silang gawin ‘yun, hindi madali ‘yun ha,” sabi ni Sen. Chiz na kilalang isang mabuting ama ng kambal. Effort kasi ang nasabing video na puwede ninyong i-view sa Facebook account ni Sen. Chiz at sa You Tube.

 

 

 

 

vuukle comment

CHIZ

HULING HENYA

KAYA

NIYA

RUFA MAE

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with