^

PSN Showbiz

Cyber stripper bina-blackmail

MANILA, Philippines - Aayudahan ni Julius Babao ang isang babaeng sangkot sa kaso ng pangba-blackmail ngayong Lu­nes (Jan. 28) sa Pinoy True Stories: Bistado.  Dating Cyber Stripper si Clarice at ngayon ay na­na­­na­himik na.

Ngunit isang misteryosong lalaki ang nagbabantang wasakin ang katahimikang ito. Ang lalaking ito pala ay dating parokyano ni Clarice at ngayon ay sapilitang nakikipagkita rito kapalit ng hindi niya pagsisiwalat ng mga mahahalay niyang video. Ma­ki­kilala kaya ang katauhan ng misteryosong lalaking ito? Paano kaya magwawakas ang bangungot na ito ni Clarice?

Huwag palagpasin ang Pinoy True Stories: Bista­do, ngayong Lunes (Jan. 28), 4:45 p.m., pagkatapos ng A Gentleman’s Dignity sa ABS-CBN. Para sa up­dates tungkol sa programa, bisitahin ang www.abs-cbnnews.com/currentaffairs.

Abangan din ibang mga bagong Pinoy True Stories hatid ng ABS-CBN News and Current Affairs, tulad ng Engkwentro ni Karen Davila tuwing Martes, Saklolo nina Maan Macapagal at Dominic Almelor tuwing Miyerkules, Demandahan ni Anthony Taberna tuwing Huwebes, at Hiwaga ni Atom Araullo tuwing Biyernes.

 

vuukle comment

A GENTLEMAN

ANTHONY TABERNA

ATOM ARAULLO

CLARICE

DATING CYBER STRIPPER

DOMINIC ALMELOR

JAN

PINOY TRUE STORIES

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with