^

PSN Showbiz

Jennylyn ‘nanggagamit’ para sabihin ang galit kay Patrick

- Veronica R. Samio -

Kung hindi rin naman makakaya ni Jennylyn Mercado na ipagtanggol ang sarili at ang anak sa ginawang pagsasa-publiko ni Patrick Garcia ng sus­tentong ipinadadala nito sa kanilang anak, sa­na hindi na niya ipinagkatiwala sa iba ang pagsasabi ng kanyang disgusto. Sa ginawa niya, na­ging guilty din siya sa kasalanang ibini­bintang kay Patrick. Na gawing pribado ang mga kaganapan sa kanilang buhay.

Ano ba ng dapat niyang ikagalit kung nagsabi man si Patrick na nagpapadala ito ng sustento sa anak nila at ang paminsan-minsang pagkakatigil? Saka siya magreklamo kung wala silang natatanggap at nagsisinungaling lang ang aktor.

Na-insecure ba siya sa pagkakaroon ng ka­pa­tid ng anak na malapit nang maging legal dahil sinasabi ni Patrick na pakakasalan niya ang ina nito? Hindi na dapat. Hindi ba dahil meron na rin siyang love life at masaya na siya? Hindi rin naman kaila sa lahat ang ginagawa niyang magandang pagpapalaki sa kanyang anak.

Imelda nag-mini-concert sa kanyang birthday

Sa kanyang gulang, baka golden girl na rin siya. Hindi pa kinukupasan ng ganda ng boses at galing sa pag-perform ang tinaguriang Undisputed Jukebox Queen na si Imelda Papin. Nagdaos ito ng isang mini-concert (donasyon lang ang ang entrance fee) bilang selebras­yon ng kanyang kaarawan nung Biyernes ng gabi sa ballroom ng Rembrandt Hotel at lubhang nagulat ang mga nakasaksi sa kan­ya sa kauna-unahang pagkakataon dahil maga­ling palang mag-concert ang paiyak-iyak na singer na nagpasikat ng mga awiting Bakit, Isang Linggong Pag-ibig, Mahal Saan Ka Na Naman Nanggaling Kagabi, at marami pang iba.

Most of the audience ay binubuo ng mga bago niyang nakakasama ngayon sa San Jose del Monte, Bulacan na kung saan ay tumatakbo siyang congressman, pamilya, at mga dating kasama sa showbiz at piling kaibigan.

Gawain na ni Imelda ang magdaos ng concert tuwing birthday niya, rito man siya abutin o sa ibang bansa at ang kinikita ay idinadagdag niya sa pondo para sa mga nangangailangan ng dialysis treatment. Meron siyang dialysis machine na idinoneyt sa Quezon City General Hospital para sa mga nangangaila­ngan ng ganitong medical procedure na lubhang may kamahalan kung babayaran ng mga naghihirap na may karamdaman pero libre lamang ito sa nasabing ospital. Hindi pa man siya nakukumbinsing mag-kongresista ay ginagawa na niya ito.

Anim na Pinoy films kasali sa filmfest sa Europe

Hindi man napili ang Bwakaw ni Eddie Garcia para makabilang sa nominado para sa foreign film category ng Oscars, nominado na naman ito sa 42nd International Film Festival Rotterdam (IFFR) na ginaganap sa kasalukuyan at tatagal hanggang Pebrero 3. Ang IFFR ay isa sa pinaka-susubaybayang filmfest na maihahalintulad sa mga ginaganap sa Cannes, Venice, Berlin, at Locarno sa Europa.

Anim pa ang mga pelikulang Pilipino na kasali sa IFRR. Ito ay ang Mater Dolorosa at Kalayaan ni Adolf Alix, Jr., Lucas Nino ni John Torres, Ang Mundo sa Panahon ng Bakal ni Dantes Guzman, Misericordia ni Khavn del Cruz at The Last Mystery of Kristo Vampiro, at Dantes de Guzman.

 

ADOLF ALIX

ANG MUNDO

DANTES GUZMAN

IMELDA

IMELDA PAPIN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with