Aktor na may asawa na lumandi sa mestisang young actress, pinaglaruan ng mga kaibigan
PIK: Mamayang gabi na mapapanood si Sen. Bong Revilla, Jr. bilang si Malaya o SiÂmeon sa Indio.
Todo promote si Sen. Bong lalo na sa mga proÂbinsiya dahil gumaganda at lalong tumataas ang rating ng pinakamahal na epic serye ng GMA 7.
Sabi nga ni Sen. Bong, parang sampung pelikula ang ginawa niyang Indio na sobrang challenging sa kanya.
Kaya abangan mamayang gabi ang pagpasok ng actor-senator na mas lalong pinaganda ang kuwento at mas matinding aksyon ang mga nagawa nila.
PAK: Irita itong si magaling na aktor nang nalaman niyang pinagtripan ito ng mga kaibigan niya nang meron itong nilalandi-landing young actress.
May asawa na si aktor pero kilala kasi talagang babaero ito kaya kapag nakakakita ng magandang girl ay nilalandi niya.
Nakatrabaho niya minsan itong si mestisang young actress at nung nakuha nito ang cell phone lagi na niya itong tini-text naglalandi siyempre. Nakarating ito sa mga kaibigan niya na katrabaho rin ni young actress, kinuha ng mga kaibigan niya ang cell phone at sila ang sumagot sa mga text nito na parang nakikipaglandian din.
Akala ni aktor type rin siya ni young actress pero nalaman lang niya bandang huli na kagagawan lang pala ng mga kaibigan niya. Kaya iritaÂng-irita ito na na-playtime siya ng mga kaibigan niya.
BOOM: Ngayon palang ay pinaplano na uli ng mga miyembro ng Batch 1 ng StarStruck na magkaroon sila uli ng reunion.
Dapat ay kumpleto na sila dahil nangako rin ang direktor nila noon na si Lino Cayetano na siya ang mag-sponsor nang pagdausan ng reunion.
Pero ang isa pang pinaghahandaan nila ay ang kanilang 10th anniversary sa October. Balak nilang i-celebrate ito sa ibang bansa gaya ng Hong Kong o Singapore.
Mas lalo silang naging close ngayon, kaya gusto nilang lagi silang magkikita at magkakasama.
Sabi nga ni Sheena Halili na galing sa Batch 1 ng StarStruck, “There’s fun in Batch One!â€
- Latest