^

PSN Showbiz

Saan na pupulutin? Kontrata ni Maricel, kinansela na ng ABS-CBN?! Julie Anne nanakawan ng bag na higit P100K ang halaga, suspek nakawala

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Abangan mamaya sa H.O.T. TV kung sasagutin ni Jennylyn Mercado ang huling panayam kay Patrick Garcia.

As much as possible ay ayaw nang magsalita ni Jennylyn tungkol sa mga sinabi ni Patrick na pinagbawalan niyang makita ang kanilang anak dahil sa nadi-delay ang pagbigay ng sustento.

Nagbigay ng statement ang manager nitong si Becky Aguila pero baka magbago ang isip ni Jennylyn at meron din itong sasabihin.

Special guests din sina Richard Gutierrez at Solenn Heussaff na sasagot sa mga mapanuksong tanong. Abangan sa H. O.T TV pagkatapos ng Teen Gen.

PAK: Nanghinayang ang magulang ni Julie Anne San Jose nang nakausap namin nung isang hapon dahil sa hindi nila naabutan ang babaeng nagnakaw ng bag ng Kapuso young singer-actress na nagkakahalaga ng mahigit P100,000 kasama na ang laman.

Ninakaw ang bag ni Julie Anne sa studio ng Party Pilipinas kamakailan lang at meron na silang suspect pero hindi naman nila nahuli.

Pero nakita ng ilang fans ni Julie Anne ang babaeng iyon sa studio ng Wowowillie nung nakaraang Biyernes kaya isinumbong nila ito sa guard. Pansaman­talang hinuli raw ang babae pero pinakawalan din dahil walang reklamong isinampa laban sa kanya.

Nahuli nang dating ang mga magulang ni Julie Anne pero nakunan ito ng litrato at nakita pa raw doon sa litrato na hawak nito ang wallet ng young star.

Ayaw na lang isipin ni Julie Anne ang nawala sa kanya dahil doble-doble naman ang babalik sa kanya.

Kalo-launch lang sa kanya bilang bagong endor­ser ng Black Beauty.

BOOM: Totoo kayang ni-rescind (na-cancel) na ang kontrata ni Maricel Soriano sa ABS-CBN?

Iyon lang ang naririnig namin dahil bukod sa teleseryeng gagawin nito, me­ron din sanang pelikulang gagawin. Hindi na ito itutuloy at wala pang nakaalam kung ano ang kasunod na mangyayari.

Walang sagot ang kampo ni Maricel tungkol dito dahil mahigpit na pinagbilinan ng Viva Films na walang may sasagot mula sa kanila.

Kung totoo man ito, saan naman tutuloy ngayon si Maricel?

                                                        

 

vuukle comment

ABANGAN

BECKY AGUILA

BLACK BEAUTY

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

JULIE ANNE

JULIE ANNE SAN JOSE

MARICEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with