^

PSN Showbiz

Ex-Mayor Atienza kandidato sa Party List, Erap suportado sa pagmi-mayor!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kandidato pala si ex-Mayor Jose “Lito” Atienza, Jr. sa dara­ting na May elections. Pero hindi na sa Maynila, Kongreso ang target niya this time. Yup, siya ang isa sa mga nominee ng BUHAY Party List na itinatag nila nina Bro. Mike Velarde. Ang BUHAY Party List “is an organization that acknowledges the sanctity and value of human life as the most fundamental element of so­ciety and recognize the rights of individuals disadvantaged by age, sickness and disability. We implore the aid of the Divine Providence in order to advance their welfare, to the end that a just and humane society, defined by the truth, freedom, fairness, political stability, and due regard for human rights and dignity,” ayon sa website ng BUHAY o Buhay Hayaan Yumabong kung saan isa siya sa mga co-founder.

Si Kuya Kim ang nagbalita nang sandali naming makausap sa kanyang birthday party sa Manila Hotel kasabay ang launching ng autobiography ng kanyang ama.

“Ito na ang pinakamasaya kong birthday. Kasama ang may gawa kay Kuya Kim,” pahayag ng sikat na TV host ng ABS-CBN.

Forty six years old na si Kuya Kim pero wala sa hitsura. Malaki ang naitulong nang pagiging triathlete niya para magmukha siyang bata.

Ayon kay Kuya Kim, ang nasabing biography, entitled Light From My Father’s Shadow, ay celebration ng principles of public service ng ama na dating mayor, ang stalwart ng Liberal Party na si Jose “Don Pepe” Atienza, Sr.

Nakapaloob sa libro ang detalye ng 38-year career sa public service ng dating Mayor Lito.

Inilahad sa Father’s Shadow ang si­mula ng political career ng former DENR secretary, ang pagkakakulong nito ng da­la­wang beses noong Martial Law dahil sa critical opinions, at marami pang ibang makukulay na nangyari sa kanyang buhay.

Dinagsa ng mga kaibigan ng mag-ama ang double celebration at kitang masaya si Kuya Kim para sa ama habang nakapila ang nagpapapirma ng libro.

Kasama sina dating President Joseph Estrada at Vice President Jejomar Binay sa mga special guest.

Nang tanungin si Kuya Kim kung suportado ba nila si Erap na tatakbong mayor ng Maynila, walang gatol na oo ang sagot ng TV host na wala nang interes na pumasok ngayon sa pulitika.

Available na ang Light From My Father’s Shadow by Lito Atienza sa mga bookstore.

Kahit Puso’y… matindi ang mga pasabog

Matitindi at nakagugulantang na pasabog ang huling dalawang linggo ng Kahit Puso’y Masugatan.

Naganap na ang paghaharap sa korte nina Andrea (Iza Calzado) at Rafael (Jake Cuenca). Hindi na comatose si Miguel (Gabby Concepcion) pero maraming problemang hinaharap.

Samantala, malapit ng maisakatuparan ni Veronica (Andi Eigenmann) ang mga plano kahit naudlot ang pagpapakasal kay Gerald (Robi Domingo).

Ano na ang magiging hatol kay Rafael at ang balak sa anak kay Andrea na gusto na niyang tuluyang isama?

Inabot din ng mahigit pitong buwan ang Kahit Puso’y Masugatan.

                                                                                                  

 

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

ANDREA

ATIENZA

BUHAY HAYAAN YUMABONG

KAHIT PUSO

KUYA KIM

LIGHT FROM MY FATHER

PARTY LIST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with