^

PSN Showbiz

Nagmamadaling magkaanak mag-asawang Roman at Shalani itutuloy ang pagsayaw sa Obando

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

May mga nagtaas ng kilay sa balita ko na iniisip nina Congressman Roman Romulo at Valenzuela City Councilor Shalani Soledad-Romulo na sumayaw sa Obando, Bulacan sa May para magkaroon sila ng anak.

Ang akala ng mga nagduda, imbento ko lang ang balita. Ang hindi nila alam, may plano talaga sina Roman at Shalani na magsayaw sa Obando dahil walang mawawala kung susubukan nila bilang gusto na rin ng dalawa na mabiyayaan ng sanggol ang kanilang isang taon na pagsasama.

Kuya Kim wala sa ­hitsura na 46 years old na

Masayang-masaya ako noong Huwebes dahil nagkita uli kami ni former Manila City Mayor Lito Atienza sa launch ng kanyang autobiography book, ang Light From My Father’s Shadow.

Ang Maynila Ballroom ng Manila Hotel ang venue ng book launching at dahil early bird ako, nakita ko ang pagdating ng mga bisita. Na-sight ko sina Congressman Irwin Tieng, Vice-President Jojo Binay at former President Joseph Estrada.

Magkasabay na dumating sa Maynila Ballroom si Papa Lito at ang kanyang anak na si Kim na nag-celebrate din ng 46th birthday noong Huwebes. Nahilig sa sports si Kim mula nang ma-stroke siya kaya very healthy na ang kanyang katawan. Walang-wala sa hitsura ni Kim na 46 years old na siya.

Nakaka-touch ang paglapit ni Papa Lito sa lugar ng entertainment media. Itsurang busy siya sa pakikipagkuwentuhan sa ibang mga bisita, nag-excuse siya at lumapit sa aming puwesto. Na-feel talaga ng entertainment press ang pagmamahal sa kanila ni Papa Lito.

Ang entertainment press din ang unang nakatanggap ng kopya ng libro ni Papa Lito na dapat basahin dahil kapupulutan ito ng mga aral.

Ibinahagi ni Papa Lito sa Light from my Father’s Shadow ang mga leksiyon sa buhay at pulitika na namana niya mula sa kanyang loving father, si Don Jose Atienza, Sr.

Mapalad si Papa Lito sa pagkakaroon ng tatay na tulad ni Don Pepe at masuwerte rin ito dahil mabait at responsible ang kanyang junior.

Mabibili sa leading bookstores sa affordable na presyo ang Light from my Father’s Shadow na puwedeng-puwede rin na pang-regalo dahil punumpuno ng wisdom ang autobiography book ni Papa Lito.

Ricky Lo mas mabuting tao kesa sa detractors

Nadoble ang happiness ko habang papalabas ako ng Manila Hotel dahil nakasalubong ko si Papa Miguel Belmonte at ang kanyang anak na si Regina.

May dinner si Papa Miguel sa kanyang anak at misis. Nahiya ako kay Papa Miguel dahil hindi ko siya nasagot sa kanyang sinabi sa akin na “Thanks for defending Ricky Lo.”

Dyusko, si Papa Ricky pa ba ang hindi ko ipagtatanggol eh matagal na kaming magkaibigan at hindi hamak na mas mabuting tao siya kesa sa mga detractor niya?

Inggit ang mga umiiral sa mga tao na todo max ang mga comment sa interbyu ni Papa Ricky kay Anne Hathaway. Hindi sila busy kaya may time sila na manira ng kapwa. Akala mo naman, napakagaling nila kung umasta sila. May mga tao talaga na ipinanganak na bitter. Sila ang mga tao na hindi natin dapat tularan!

DAHIL

KANYANG

LITO

MANILA HOTEL

PAPA

PAPA LITO

PAPA MIGUEL

PAPA RICKY

RICKY LO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with