^

PSN Showbiz

60 na taong pagsasama ng ABS-CBN at ng mga Pilipino, sinariwa at pinagdiwang

 MANILA, Philippines -  Binigyang pugay ng ABS-CBN ang 60 taon nitong pagsasama sa bawat Pilipino sa ginawang paglulunsad ng kampanya para sa pagdiriwang ika-60 anibersaryo bilang isang media institution na nagsimula at nagtatag ng industriya ng telebisyon sa bansa.

Ang kampanya para sa ika-60 taon, na may temang Kwento Natin ‘To, ay kikilala sa kwento at karanasan ng bawat Pilipino na siyang humulma sa ABS-CBN para maging numero unong TV network sa bansa at siyang humihimok sa mga empleyado nito na patotohanan at isabuhay ang motto ng kumpanya na “in the service of the Filipino.”

“Ang ABS-CBN ay binubuo ko, ikaw, at bawat empleyado na inialay ang kanilang mga sarili para ma­ging ‘in the service of the Filipino.’ Ito ang ginagawa natin sa nakaraang 60 taon at ito ang patuloy nating gagawin habang ang ABS-CBN ay nanatiling nakatatag bilang isang TV network,” sabi ni ABS-CBN Chairman Eugenio “Gabby” Lopez III sa kanyang talumpati.

“Ang Kwento Natin ‘To ay hindi tungkol sa kwento ng ABS-CBN kung hindi sa kwento ng bawat isang Pilipino. Ang telebisyon ay isang mahiwagang kahon na naglalaman ng makukulay nating karanasan, emosyon, pangarap, imahinasyon, at iba pang mga aspeto ng ating pagkatao at pagka-Pilipino,” sabi naman ni ABS-CBN president and CEO Charo Santos-Concio. 

Idiniin din ni Concio na ang telebisyon ay naging bahagi na ng pang-araw araw na buhay na ng mga Pilipino. “Para sa kanila ang mga drama at comedy ay salamin ng kanilang na buhay. Ang news naman ay salamin ng kanilang riyalidad sa araw-araw at ng kanilang tibay sa pag-ahon sa buhay. Ang mga talent at reality shows ay salamin ng kanilang mga pangarap. Ang variety shows ay salamin ng kanilang kasayahan sa piling ng pamilya at mga kaibigan.

“Patuloy nating pakikinggan kung ano ang gusto ng mga manonood o mga konsyumer at ito ang gagamitin natin para pag-ibayuhin ang mga produkto at serbisyong handog nating sa kanila,” dagdag ni Concio.

Bilang bahagi ng isang taong selebrasyon, 60 empleyado ang magbabahagi ng kanilang mga kwento kung paano naging bahagi ng kanilang buhay ng ABS-CBN.

Unang ipinalabas na ang walong kwento na hango sa cameraman na si Val Cuenca, promo specia­list na si Christine Estabillo, program executve na si Riza Ebriega, news bureau chief na si Dindo Amparo, regional news reporter na si Joan Panopio, sales executive na si Herman Pablico, radio supervisor Aris Jurado, at Manila Radio Division head Peter Musngi.

Dating Alto Broadcasting System Chronicles Broadcasting Network and Kapamilya Network ngayon. Nabuo ito noong 1950s nang binili ni Eugenio Lopez Sr. ng CBS ang istasyong ABS na pagmamay-ari naman ni Antonio Quirino.

ABS-CBN ang pinakaunang nag-broadcast ng full color sa Southeast Asia at ang mga programa nitong You’re Evening with Pilita, Tawag ng Tanghalan, at Buhay Artista ay sikat na sikat sa iba’t ibang bansa roon. Ang broadcast center nito, na pinasina­yaan noong 1968, ay ang ikalawang may pinakamakabagong TV facility sa Asya sunod sa NHK ng Japan.

Ipinasara ang network noong 1972 dala ng pagdedeklara ng Martial Law at nabalik sa operasyon noong 1986 pagkatapos ng makasaysayang People Power revolution.

Muling nagsimula sa wala ang ABS-CBN ngunit dahil sa pagtutulungan at pamumuno nina Eugenio “Kapitan” Lopez Jr., Freddie M. Garcia, at Atty. Jake Lopez, muling naging numero unong network sa bansa ang ABS-CBN.

Ang paglulunsad ng 60 years of Philippine TV ay hinost nina TV Patrol anchors Noli De Castro at Korina Sanchez. Nagbigay naman ng kani-kanilang performances sina Gary Valenciano, Kuh Ledesma, Jed Madela, Erik Santos, Yeng Cons­tantino, Jovit Baldivino, Marcelito Pomoy, at KZ Tandingan sa saliw ng musika ng ABS-CBN Philharmonic Orchestra.

vuukle comment

ABS

ANG KWENTO NATIN

ANTONIO QUIRINO

ARIS JURADO

BUHAY ARTISTA

CBN

KANILANG

PILIPINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with