^

PSN Showbiz

Richard naging malungkot sa kanyang birthday!

- Veronica R. Samio -

Not that Solenn Heussaff is not helping pero tala­gang kapag nakikita mo ngayon na parang hilong tali­long si Richard Gutierrez sa pagpo-promote ng kanyang first mature and daring movie na Seduction ay bibilib ka talaga sa effort na ibinibigay niya sa kanyang pelikula na kahit sabihin mong tatlo silang bida nina Solenn at Sarah Lahbati parang siya ang pinaka-excited na masiguro na marami ang manonood ng pelikula if only for the fact na maitutu­ring na niyang aktor ang kanyang sarili sa nasabing pe­likula na naghuhudyat sa pagbabalik ni Peque Galla­ga sa pagdi-direk.

Isa pang dahilan kaya excited siya sa pelikula ay nag-bare siya rito, nagpakita ng puwet sa kauna-unahang pagkakataon.

 â€œSampung taon na akong artista, pagkatapos kong gawin ang pelikula na-feel ko na kumpleto na ang pagiging aartista ko.

“Masaya ako sa naging takbo ng career ko. Sa sampung taon ko sa business, I am able to share my skills and blessings sa aking audience. Bibihirang artista ang magawang mag-host both sa entertainment and news and public affairs. ’Tapos nakapag-fantaserye pa ako, nakalabas sa mga magagandang soap, and even movies,” pagmamalaki niya.

Is his work in Seduction worthy of an acting nomination?

“ I don’t know pero sabi ni Peque nag-excel naman daw ako. But more than my performance in the film, nag-open ang mind ko sa maraming posibilidad ng moviemaking. More than ever, mas lumakas ang kagustuhan ko na makapag-direk ng movies in the future.

“Working with Peque has brought me closer to fulfilling this dream. Pero hindi pa agad-agad.

Mag-aaral pa ako. Marami pa akong dapat matutunan para rito. In the meantime, I wanna do some more serious movies,” dagdag pa niya.

May ginagawa na siyang pelikula na kasunod ng Seduction, isang light romance na kasama si Ma­rian Rivera. Nakakailang shooting days na rin siya.

Pagkatapos nun ay babalik na naman siya sa paggawa ng isa pang seryosong pelikula, at nakatakda siyang gumawa ng isang soap drama sa GMA.

Kabi-birthday lamang niya nung Jan. 21, sila ng kakambal niyang si Raymond. Nagkaroon sila ng isang simpleng selebrasyon kasama ang kanyang pamilya at ilang malalapit na kaibigan na naabisuhan  nila ng ora-orada.

“Sana andun si Sarah. My celebration would have been complete. Bago siya umalis ay nagawa pa niyang ipagluto ako ng aking favorite dish of beef and potatoes. Kami-kami lang, ’yung family niya and mine. ’Yun na raw ’yung birthday gift niya sa akin.

“Sarah is now in Geneva. Before this she visited her family in Switzerland. Also her dad’s family in Morocco. She has started looking for a school,” imporma ng aktor na kahit nami-miss ang girlfriend ay nagkakasya na lang sa pakikipag-Skype rito.

“Pupuntahan ko rin siya. Kung kailan, hindi ko pa alam. Punung-puno kasi ang sked ko but I will really find time para makita siya.”

Iza mali ang tantiya sa bigat ng kamay ni Andi

Hindi si Iza Calzado ang tipong sasakay sa isang intriga na may kinalaman sa seryeng kanyang nilalabasan para lamang magkaroon ng balita. Tahasan nitong pinabubulaanan ang balitang nagkasapawan sila ni Andi Eigenmann sa seryeng ginagawa nila na naging dahilan para siya mag-walk out.

“Bakit naman ako magwo-walk out eh pareho naman naming alam ang eksenang gagawin namin? Kung napalakas man ang sampal niya sa akin, wala namang problema dun. Eksena ’yun sa series, hindi sa tunay na buhay. Na-underestimate ko lang ang bigat ng kanyang kamay. Hindi na kinailangang i-take two pa ang eksena,” paliwanag ng aktres na nagri-ready nang mag-take over sa pagho-host ng The Biggest Loser Pinoy Edition na ang mga magiging kalahok ay magkakapareha.

vuukle comment

ANDI EIGENMANN

BIGGEST LOSER PINOY EDITION

IZA CALZADO

NIYA

PEQUE

PEQUE GALLA

RICHARD GUTIERREZ

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with