Jake grabe ang ginawang pakikipaghalikan kay Eugene
First time mapasama ni Jake Cuenca sa teÂleseryeng inabot ng seven months. Ang dami niyang natutunan habang ginagawa ang Kahit Puso’y Masugatan at nagkaroon siya ng chance na ilabas ang iba’t ibang klase ng karakter. Naging mabait at naging rapist siya rito.
Para kay Jake, isa sa ikinaganda ng kanilang soap ay kahit sila, hindi alam ang mga susunod na mangyayari. Two weeks na lang ang airing nila, hindi pa niya alam kung ano ang mangyayari sa karakter niyang si Rafael.
Ipinagmalaki rin nito na nakahanap siya ng maraming kaibigan dito na nakakasama niya kahit off-cam. Para raw silang isang masayang pamilya at nagsasabihan ng problema at magkakasamang lumabas.
May kasunod ng soap sa ABS-CBN si Jake, bawal pa lang sabihin, pero excited na siya dahil iba na naman ang kanyang karakter. Busy din siya sa pelikula dahil tinatapos ang movie nila ni Gerald Anderson under director Tikoy Aguiluz, ginagawa ang Tuhog nila nina Enchong Dee, Empress Schuck, at Eugene Domingo. May gagawin din siyang indie film para sa Cinemalaya.
Kuwento ni Jake, marami silang kissing scene ni Eugene at may love scene pa sila. Torrid ang kissing scene nila na tiyak pag-uusapan. Maayos daw nakunan ang mga nauna nilang kissing scene dahil komportable siyang katrabaho si Eugene.
John hindi na kasama sa kanyang ‘launching movie’
Sobrang thankful si Direk Wenn Deramas na kahit late na ang time slot ng Kahit Puso’y Masugatan, marami pa rin ang nanonood sa soap at kahit ang press, alam ang nangayari sa istorya.
Kuwento ni Direk Wenn, 16 weeks lang dapat ang Kahit Puso’y Masugatan, na-extend at umabot ng 20 weeks at magtatapos after seven months. Pasalamat siyang mababait ang kanyang cast at deep friendship ang nabuo sa kanila.
Samantala, looking forward si Direk Wenn na masimulan na ang pelikula ni Maricel Soriano sa Viva Films na kanyang ididirek. “Hindi ko palalampasin ang chance na maidirek siya sa movie, nadirehe ko na siya sa TV, ngayon naman sa movie.â€
May title na Girl Boy Bakla Tomboy ang pelikula kasama sina Vice Ganda at Gabby Concepcion. Naalala namin ito rin ang title na sinabi ni John Lapus na launching movie niya sa Viva Films, pero wala na siya sa cast. Anong nangyari?
“Alam ni John na tuloy ang movie without him. Sa kanya galing na he’s not yet ready na magbida. Saka, gagawin niya ang launching movie nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa Star Cinema, hindi na siya mahihintay sa Maricel movie at okey sa kanya na gamitin ang title na dapat sa kanya,†paliwanag ni direk Wenn.
Dingdong napabilib sa katrabaho
Nagpasalamat si Kristoffer Martin kay Dingdong Dantes sa mga sinabi nitong mahusay siyang aktor at future leading man ng GMA 7. Magkapatid ang role ng dalawa sa Pahiram ng Sandali, may mga eksena silang magkakasama, kaya alam ni Dingdong ang kanyang sinasabi.
Sa narinig kay Dingdong, lalong ginanahan si Kristoffer na pagbutihin pa ang trabaho, mag-focus at mas maging propesyonal pa. Ang sarap daw marinig na nakikita ng co-stars mo ang kanyang trabaho.
Samantala, ipinapanood sa amin ni Kristoffer ang ginawa niyang music video para sa debut ng GF niyang si Joyce Ching. Nagsimula ang music video sa Enchanted Kingdom at itinuloy niya sa party ng nobya. Gawa rin ni Kristoffer ang background song ng video, wala pa nga lang title.
- Latest