Pinaligiran ng security bagong mansion na ipinatayo ni Pacman hindi puwedeng pasukin nang basta-basta!
Ang sosyal-sosyal ng bagong mansion na ipinatayo ng mag-asawang Congressman Manny at Jinkee Pacquiao sa General Santos City.
Mansion 2 ang name ng kanilang bagong property na hindi basta puwedeng mapasok dahil mahigpit ang security. Maganda ang pagkakagawa sa bahay dahil may privacy ang pamilya nina Papa Manny at Jinkee.
Nagpatayo rin sila ng ‘Bulwagan’ at ito ang opisina ni Papa Manny. Ang Bulwagan ang meeting place nila ng kanyang mga bisita at constituents.
Marami nang bahay na naipundar ang mag-asawa. May bahay sila sa Los Angeles, Forbes Park, at Biñan, Laguna. May mga negosyo rin sila tulad ng hotel, water refilling station at kung anik-anik pa.
Hindi na talaga makakaranas ng hirap ang pamilya ni Papa Manny dahil marunong siya na mag-invest sa mga negosyo.
Malaking pagbabago sa isang network ramdam na ramdam na
Feel na feel na ang malaking pagbabago sa isang television network dahil sa reshuffling ng mga empleyado.
Imposibleng hindi maramdaman ang changes na nagaganap dahil may mga bagong mukha na lumilitaw sa network na lalong palalakasin ng management ngayong 2013. Bahala na kayong manghula kung alin sa mga active TV station ang tinutukoy ko.
Jennylyn hindi matanggap na magkakaanak na naman sa iba si Patrick
Hindi shocking ang pag-amin ni Patrick Garcia na buntis ang kanyang non-showbiz girlfriend dahil pinag-usapan na ito noon sa Startalk.
May mga duda na ang pagbubuntis ng kanyang dyowa ang dahilan kaya hindi na naman kinakausap ni Jennylyn Mercado ang ex-dyowa.
Miss na miss na ni Patrick si Jazz, ang lovechild nila ni Jennylyn. Bihira nang makita ni Patrick ang bagets mula nang malaman ni Jennylyn na magkakaroon na uli siya ng another baby.
Naniniwala ako na matatanggap din ni Jennylyn ang katotohanan na may kanya-kanya na silang buhay ni Patrick at magiging magkaibigan sila, alang-alang sa mga anak nila.
Nabigla lang siguro si Jennylyn dahil hindi nito akalain na magkakaroon na ng kapatid ang kanyang anak. Babae ang coming soon baby ni Patrick.
- Latest