^

PSN Showbiz

Sen. Jinggoy iniisip na ring mag-teleserye

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Tinudyo-tudyo ko pa si Sen. Jinggoy Estrada habang naghahapunan ito at hinihintay ang gagawin niyang pagpapasumpa sa mga bagong officers and members ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa napakabata niyang itsura  ngayon. Kung nabataan ako kay Robin Padilla na hindi naging alangang maka-intimate scene si Anne Curtis sa bago niyang teleserye, mas guwapo at mukhang bata  rin ng napakaabalang pulitiko ngayon. Sa halip na magmukhang haggard and stressed dahil nakikita naman natin at napapanood na isa siya sa pinakamasipag na kagawad ng Senado, pero hindi lamang siya mukhang mabango at bagong ligo, napakabata talaga ng itsura niya.

Nagpa-stem cell ka ba senador, pa­ra kang muk­hang 10 years younger?” ang medyo nahihiya kong tanong sa kanya na sinagot niya ng may ka­samang ngiti. “Pu­mayat lang ako. Nagsisimula na naman nga akong mag-gain ng weight. Kaya watch na naman ako ng diet ko,” sabi niya sabay subo sa kanyang walang rice na dinner of fried chicken and prawns.

Kung ganun ang itsura niya, bakit hindi siya guma­wang muli ng pelikula habang hinihintay na matapos ang limang buwang campaign period at makabalik siya sa kanyang trabaho sa Senado?

Sinabi niyang ito nga ang pinag-iisipan niya nga­yon. Iniisip niya kung anong klaseng pelikula ang ga­gawin niya. Hindi niya kayang mag-produce ng isang mainstream movie na gagastos ng maraming milyon. Takot siyang matalo. At wala siyang ganung kalaking pera. May nag-suggest na mag-try siyang gumawa ng indie movie at binigyan pa siya ng mga mahahalagang info at suggestions ng mga taga-PMPC na dalawa sa mga miyembro nito ay nagawa na ring magprodyus at magdirek ng mga indie films.

Isang malaking come on sa senador ang nasabing maari na hindi man siya kumita sa gagawin niyang indie movie, malaki naman ang posibilidad na makilala ito at mabigyan ng award sa abroad. Sa ngayon, ang pagpili ng pe­likula na maari niyang gawin habang nagpapahinga sa Senado ang pinag-iisipan niya.

Samantala, hindi pa niya masagot kung ano ang  hakbang na gagawin niya kapag nakatapos siya ng ikalawa niyang termino bilang senador. Tatakbo ba siya for a higher position?     

Brother’s Grimm binigyan ng PG 13

Sayang at maraming kabataan ang hin­di mapa­pa­yagang mapanood ang ma­ituturing na pagtu­tu­loy ng istorya ng magkapatid na Hansel and Gre­tel sa fairy tale ng The Brothers Grimm na ginawan ng kasunod ng Paramount Pic­tures at Me­tro Goldwyn Mayer dahil binigyan ito ng PG-13 ng MTRCB dahil sa madugong engkwentro ng magka­pa­tid sa mga witches o mangkukulam.

Nagsimula ang pelikula nang makatakas ang magkapatid sa kamay ng isang ma­paminsalang witch matapos silang iwan ng kanilang ama sa gu­bat. Sa pagpa­pa­tuloy ng kuwento ng fairy tale na ki­­a­lug­dan ng marami, naisip ng sumulat ng kuwen­to na si Tommy Wirkola na gawin ang bagong Han­sel and Gretel na mga witch hunter at ang ku­wento nila ay mapupuno ng modern action and adventure.

Labinglimang taon na ang nakararaan. Binata’t dalaga na sina Hansel at Gretel. Mga witch hunter  na ang magkapatid na ginagampanan nina Je­re­my Renner ng Bourne Legacy  bilang Hansel at  Gem­ma Arterton na gu­manap ng isa sa mga ba­bae ni James Bond sa Quantum of Solace bilang Gre­tel. Misyon nila ang puk­sain ang lahat ng mga mangkukulam. Bagaman at sanay na at kinikilala sa kanilang trabaho, mas ma­hihirapan sila sa pagsapit ng BlueMoon, isang pagtitipon ng mga witches na kung saan maraming bata ang gagawing alay. Para mapangalagaan ang mga bata, kinuha ng mayor ang serbisyo ng magkapatid. Itinalaga rin sa kanila na tapusin na ang pamumuno ng evil sorceress na si Muriel (Famke Janssen).

Hindi nakakatakot ang Hansel and Gretel, mas  ang suspense na ibinibigay nito sa manonood na makikitang napapaigtad dahil sa resulta ng pagi­ging 3D ng pelikula. Kung nagustuhan n’yo si Renner sa Bourne Legacy, magugustuhan n’yo siya bilang Hansel. Mamahalin n’yo ang pagmamahalan nila ni Gretel bilang magkapatid.


 

ANNE CURTIS

BOURNE LEGACY

GRETEL

NIYA

SENADO

SHY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with