^

PSN Showbiz

Cesar at Sunshine hindi nag-uusap kahit nasa iisang bahay!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nilinaw sa amin ni Atty. Persida Acosta na hindi siya nag-represent o naging abogado ni Amalia Fuentes nung humarap ito sa mga kasong isinampa niya laban kay Annabelle Rama at sa mga nakaengkuwentro niya noon.

Napabalita noon na humingi raw si Amalia ng tulong sa PAO at tinulungan naman daw ito. Pinabulaanan ito ng PAO Chief dahil ang talagang tinutulungan nila ay ang mga mababa ang kinikita at talagang hindi kayang magbayad ng abogadong magtatanggol sa kanila.

Patuloy pa rin palang napapanood ang prog­rama ni Atty. Persida Acosta na Public Atorni sa Aksyon TV tuwing Lunes alas-syete ng gabi.

PAK: Nakakatuwa itong batch one ng Starstruck na pinangungunahan nina Mark Herras at Jennylyn Mercado, dahil nagagawa nilang mag-reunion at magkita-kita.

Kaya buo ang kanilang grupo at nagtutulungan sila. Nagkita-kita sila nung nakaraang Linggo sa isang KTV bar at kapansin-pansin doon si Rainier Castillo na medyo tumaba.

Ang latest na nabalitaan namin, nakipag-live in daw ito sa kanyang non-showbiz girlfriend na kinontra ng mommy niya.

Ilang malalapit na kaibigan ang nag-aayos na makabalik si Rainier sa GMA 7 para magkaroon uli ng sigla ang kanyang career.

BOOM: Hindi pala totoo ang napabalitang hindi na nagsasama sina Cesar Montano at Sunshine Cruz sa iisang bubong.

Napag-alaman mula sa kampo ni Cesar na umuuwi pa rin daw ito sa bahay nila at nandun din si Sunshine kasama ang kanilang mga anak.

Hindi lang sila nagkakausap na mag-asawa at meron talagang problema pero hindi raw totoong pinalayas ni Sunshine si Cesar kaya sa Manila Hotel na ito nakatira.

Nung pumutok ang balitang ito, nasa Manila Hotel naka-billet ang aktor dahil sunud-sunod ang shooting nito para sa The Turning Cradle: The Alfredo Lim Story.

 

ALFREDO LIM STORY

AMALIA FUENTES

ANNABELLE RAMA

CESAR MONTANO

JENNYLYN MERCADO

MANILA HOTEL

MARK HERRAS

PERSIDA ACOSTA

PUBLIC ATORNI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with