Kaya grabe rin ang mga paninira radio stations sa Bicol kontrolado rin ng mga kalaban ni Aga
PIK: Matagal nang magkahiwalay sina Ely Buendia at Dianne Ventura pero nanatili ang friendship dahil nagkakasundo sila sa maraming bagay.
Isa na rito ang paggawa ng pelikula na kinahihiligan nila ngayon. Proud si Dianne sa ginawa niyang short film na The Rapist dahil napansin ito at napasama sa tatlong Most Popular Film sa nakaraang International Film Festival Manhattan sa New York.
Ayon kay Dianne, meron silang binubuong proÂject na pagsasamahan nila ni Ely. Sa trabaho sila nagkakasundo pero hindi sila nagpapakailaman pagdating sa kanilang love life.
PAK: Umaasa pa rin si Rocco Nacino na matutuloy ang malaki sanang pelikula niyang Lam-Ang. Ang pagkakaalam niya ay naghahanap pa ng possible producer para matuloy lang ang pelikula.
Nanghihinayang lang siya dahil ang laking hirap daw niya sa pelikulang ito lalo na sa paghahanda niya sa role na iyon.
Pero excited naman siya ngayon sa bago niyang gagawin na isa ring malaking pelikula, ang Ibong Adarna.
BOOM: Vindicated si Aga Muhlach sa mga kalaban niya sa pulitika dahil tuloy pa rin ang pagtakbo niya sa kabila ng mga patung-patong na mga ibinibintang sa kanya.
Na-dismiss ang petition na ipinadala ng isang nagngangalang Gilmar Pacamara na nagkukuwestiyon sa pagiging Pilipino ng aktor.
Sinabi nitong isang Kastila raw si Aga at hindi ito natural-born Filipino citizen.
Napagdesisyunan ng COMELEC na “lack of merit†ang naturang petisyon kaya tuloy ang pagtakbo ng aktor bilang congressman ng 4th District ng Camarines Sur.
Ang dami nang ginagawang paninira laban kay Aga para hindi lang matuloy ang pagtakbo nito.
Malaki ang pasasalamat ni Aga sa media dahil dito lang niya nailalabas ang totoong balita tungkol sa kanya.
Kahit daw kasi ang radio station sa kanyang lalawigan ay kontrolado ng mga kalaban kaya kung anu-anong paninira laban sa kanya ang nasasabi para maligaw lang ang mga tao.
- Latest