^

PSN Showbiz

Offer na show ng GMA, pinalampas ni Atty. Persida

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Marami ang kumukumbinsi kay Atty. Persida Acosta na kumandidato pero wala pa sa bokabularyo niya ang pumasok sa mundo ng pulitika.

Kuntento na si Atty. Acosta sa pagtulong sa mga nangangailangan at sa mga kababayan natin na walang pambayad sa abogado.

Kung sakaling maisipan ni Atty. Acosta na kumandidato sa 2016, ipapangampanya ko siya na walang anumang kapalit dahil naniniwala ako na malaki ang maitutulong niya sa bayan.
I should know dahil may mga kakilala ako na natulungan noon ni Atty. Acosta. Hindi ko na sasabihin kung sino sila pero hanggang ngayon, tumatanaw sila ng malaking utang na loob sa chief ng Public Attorney’s Office.

Ikinuwento ni Atty. Acosta na interesado ang GMA News TV na bigyan siya ng programa. Ang kaso, hindi niya matanggap ang offer dahil on going ang Public Atorni show niya sa Aksyon TV.

Napapanood din si Atty. Acosta bilang member ng Trio Taga-Payo ng Face to Face ng TV5. Basta may libreng oras siya, sinisipot ni Atty. Acosta ang taping ng Face to Face dahil ito ang public service program na nagbukas ng pinto kaya nagkaroon siya ng television career.

Anne Curtis mas may breeding kesa kay Anne Hathaway

Maliwanag pa sa sikat ng araw na inggit ang umiiral sa mga tao na  panay ang komento tungkol sa video ng interbyuhan portion nina Papa Ricky Lo at Anne Hathaway.

Ipinakita ng mga nagkomento ang kakitiran ng isip dahil mas kinampihan nila ang pagtataray at kagaspangan ng ugali ni Anne Hathaway. If I know, nakita nila ang kanilang sarili kay Anne dahil pare-pareho sila ng mga ugali. Hindi hamak na mas maganda ang ugali ni Anne Curtis kesa kay Anne Hathaway ‘no!  May breeding si Anne Curtis, ewan ko lang si Anne na nagkaroon ng boyfriend noon na nakulong dahil sa panloloko ng maraming tao. 
Hindi ako nag-iimbento dahil alam ng buong mundo ang love story ni Anne at ng kanyang Italian boyfriend na si Raffaello Follieri. Isang con man ang ex-boyfriend ni Anne at iniwanan nito ang mhin nang makulong ito.

Asawa ni Alfred hindi pakialamera

Bumalik na si Alfred Vargas at ang kanyang misis na si Yasmine mula sa kanilang short vacation sa Hawaii.

Ang Hawaii trip ang regalo ni Alfred kay Yasmine na hindi na nakalabas ng bansa mula nang isilang ang kanillang second daughter. Ideal housewife si Yasmine dahil mas pinili niya na alagaan ang kanilang dalawang anak kesa maging career woman. Hindi rin siya nakikialam sa political career ni Alfred.

Belated happy birthday Nanette

Belated happy birthday kay Nanette Medved.

Kahapon ang kaarawan ni Nanette at nag-celebrate siya, kasama ang kanyang asawa at dalawang anak.

Wala nang plano si Nanette na magbalik-showbiz dahil happy na siya sa kanyang bagong mundo. Hands-on mother and wife si Nanette at kapag kailangan ng asawa niya ng kanyang assistance, tumutulong siya kaya hindi nasayang ang course na tinapos niya sa isang school sa Boston.

 

vuukle comment

ACOSTA

ALFRED VARGAS

ANNE

ANNE CURTIS

ANNE HATHAWAY

DAHIL

NANETTE

SIYA

YASMINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with