^

PSN Showbiz

Krista ni Cesar hindi na baguhan sa showbiz, matagal nang artista ng ABS-CBN!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

May mga nagsabi sa akin na Kristalyn Engle ang tunay na name ni Krista Miller, ang girl na pi­nag­­­bibintangan na third party sa relasyon ng mag-asawang Cesar Montano at Sunshine Cruz.

Hindi  raw newcomer sa showbiz si Krista dahil umapir na siya noon sa mga programa ng ABS-CBN at na­ging co-star siya ni Zanjoe Marudo sa isang project.

Umingay ang pangalan ni Krista dahil sa mga tsis­mis tungkol sa kanila ni Cesar. Marami na ang nag-try na mainterbyu si Krista pero hindi pa ito sumasagot sa mga reporter na kumokontak sa kanya.

Daragang Magayon binuo ng mga mahuhusay sa teatro

Si Ambet Nabus ang nag-imbita sa akin sa presscon ng Daragang Magayon noong isang ling­go pero hindi ako nakapunta dahil malayo ang ve­nue. Na-miss ko tuloy ang tsansa na ma-meet nang personal si Albay Governor Joey Salceda, ang pu­nong-abala sa epic tale na itatanghal sa Cul­tural Center of the Philippines (CCP), sa Feb. 8.

Love month ang February kaya ito ang perfect month para sa pagtatanghal ng love story nina Magayon at Ulap, ang ill-starred lovers na pinagmulan ng alamat ng Mayon Volcano, ang top tourist attraction sa Albay.

May matinee at gala performance ang Daragang Magayon: An Istorya ni Mayon, 3 p.m. ang matinee show at 8 p.m. ang gala show.

Para makatiyak na maganda ang magiging resulta ng kanyang project, hiningi ni Papa Joey ang tulong nina National Artist for Literature Virgilio Almario at Gawad CCP para sa Sining awardee Dr. Ramon Santos.

Si Rio Almario ang sumulat ng poetry ng Daragang Magayon at si Dr. Santos ang nag-compose ng musika. Take note, ang rondalla ang gagamitin ni Dr. Santos sa musika ng ipinagmamalaki na project ni Papa Joey.

Si Ea Torrado ang gaganap bilang Magayon at si Victor Maguad ang magbibigay buhay sa katauhan ni Ulap. Parehong mahusay na mananayaw sina Ea at Victor. Highlight ng show ang special participation ni Ronnie Lazaro bilang Gugurang, E-Dance Theater, UP Rondalla, at Novo Concertante.

Sa mga interesadong manood ng Daragang Magayon, puwede kayong tumawag at mag-in­quire sa 425-0509, 0920-9266387, at 832-1125 local 1116. Para sa ticket inquiries, please call 829-3591 or 891-9999.                                     

Baby Malaya malakas ang impact

Ipinalabas ng GMA 7 noong Sabado nang gabi ang pilot week ng Indio, ang epic serye ni Sen. Bong Revilla, Jr.

Memoryado ko ang kuwento at mga eksena ng Indio dahil sinubaybayan ko ito mula Lunes hanggang Biyernes. Aliw na aliw ako sa infant na gumanap na Baby Malaya. Siya ‘yung sanggol na mabilis tumakbo. Hinabaan pa sana ng writer at direktor ng Indio ang participation ni Baby Malaya dahil ang lakas ng recall at impact niya sa televiewers!

Juday tuwang-tuwa na wala ng utang sa tax!

Absuwelto si Judy Ann Santos sa tax evasion case na isinampa laban sa kanya noong dalaga pa siya. Ang Court of Tax Appeals ang nagpawalang-sala sa aktres.

Tuwang-tuwa si Juday dahil natapos na rin sa wakas ang kanyang problema. Ang feeling ni Juday, daig pa niya ang nanalo ng best actress award dahil sa good news na kanyang natanggap.

 

vuukle comment

BABY MALAYA

DARAGANG MAGAYON

DR. SANTOS

INDIO

JUDAY

KRISTA

PAPA JOEY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with