^

PSN Showbiz

Hindi na nahilot, Gerald pinanindigang ayaw nang makasama si Maricel sa serye!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Pinanindigan daw ni Gerald Anderson na ayaw na niyang makatrabaho si Ms. Maricel Soriano. Ito ay matapos nga raw talak-talakan niya ang young actor na siyempre ay ayaw sabihin ng source ang suspetsa nilang dahilan.

Hindi na raw nahilot ang aktor. Kahit may nag-effort daw ayusin ang nangyari at ipaliwanag kay Ge­rald, hindi na ito nakumbinsi, ayon sa spy.

Nauna nang lumabas dito sa PSN ang ginawa ni Maricel sa young actor nang mag-taping sila ng Bukas Na Lang Kita Mamahalin.

Wala pang binibigay na statement ang ABS-CBN tungkol dito.

Serye nina Carmina at Vina, mapapanood na tuwing hapon!

Ngayong Lunes (Enero 21) na ang simula ng May Isang Pangarap, ang seryeng pinagbibidahan nina Carmina Villaroel, Vina Morales, at ng dalawang bagong Kapamilya child wonder na sina Larah Claire Sabroso at Julia Klarisse Base. Huhusgahan na kung kaka­ya­ning pataubin ng dalawang bagets ang mga ma­gagaling na child stars ng ABS-CBN.

Eere ito tuwing 2:45 p.m. pagkatapos ng It’s Showtime.

Matutunghayan dito ang kuwento ng dalawang bata na sina Larah (Larah Claire) at Julia (Julia Klarisse) na kapwa umaawit para sa kanilang mga pangarap, at nina Nessa (Carmina) at Kare (Vina) na pag-uugnayin ng mga kinikilala nilang anak. Buo nga ba ang ligayang hatid ng pag-abot sa pangarap kung ang kapalit nito ay pagkakataon mong magkaroon ng isang masayang pamilya?

Tampok din sa May Isang Pangarap sina Rico Blanco, Gloria Diaz, Bembol Roco, Shamaine Buen­camino, Dennis Padilla, Valerie Concepcion, Ron Morales, Erin Ocampo, at Dominic Ro­que. Ito ay sa ilalim ng direksiyon nina Erick Salud at Jerry Lopez Sineneng.

Hiritan 2013 umpisa na

Iha­hatid ng award-winning morning show, U­nang Hirit ang pinakakomprehensibong cove­rage ng 2013 mid-term elections, ang Hiritan 2013: Senatorial Candidates Edition. 

Mula sa matagumpay na pag-ere nito noong 2010 kung saan nagkaroon ang mga manonood ng pagkakataon na makilala ang mga kumandidato sa nagdaang eleksiyon, ngayon ay layon ng Hiritan 2013 na maging isang instrumento para higit pang makilala ang mga tatakbo sa pagka-senador: Ang ka­nilang pinagmulan, track record, at maging ang kanilang opinion sa pinaka-kritikal na mga usapin sa bansa.

Simula ngayong Lunes, tatlo hanggang apat na kan­didato sa pagka-senador ang ipakikilala ng Hiritan 2013 – mula sa administration coalition at ma­ging sa opposition — kasama na rin ang mga independent candidate at mga tumatakbo mula sa iba pang partido.

Sa loob ng tatlong rounds na tatakbo ng isang oras, sasagutin ng mga kandidato ang mga tanong nina Arnold “Igan” Clavio, Prof. Winnie Monsod, at ng election coverage partners ng GMA mula sa media at akademya, maging mga katanungan mula sa live audience at mga manonood sa kani-ka­nilang mga tahanan.

Ang Hiritan 2013 ay bahagi ng Dapat Tama advocacy campaign ng GMA News and Public Affairs tungo sa mas maalam at mapanuring pagboto. Puwede kayong mag-post ng tanong sa facebook/unanghirit o mag-tweet sa @unanghirit.

 

ANG HIRITAN

BEMBOL ROCO

BUKAS NA LANG KITA MAMAHALIN

CARMINA

CARMINA VILLAROEL

HIRITAN

MAY ISANG PANGARAP

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with