^

PSN Showbiz

Ogie gustong ipalit kay Willie

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Maraming palabas na maapektuhan si Ogie Alcasid sa gagawin niyang paglipat sa TV5.  Ang nakapagtataka lamang ay kung bakit sa halip na sa palabas ni Willie Revillame siya lumabas ay hinihi­ngi ng mga taong nasa likod niya na payagan siyang lumabas sa kalabang show ng TV5 na ASAP. Hindi naman kaya mainsulto nito ang grupo ni Willie at tutulan ng mga taga-ASAP na marami ang maapektuhan sa gagawing pagsali ni Ogie. At si Regine Velasquez ba ay maaasahan na rin ang pagsunod kay Ogie sa TV5?

Matatandaan na  bago sa Kapuso Network ay ba­hagi si Ogie ng isang gag show na lubos na kinagiliwan  ng manonood sa TV5?

Zaijian, Xyriel, Bugoy, atbp. may bagong kalaban

Kahit marami na silang child stars na maasahang gumanap sa napakaraming proyekto na nakalinya nilang gawin sa mga darating na panahon, nagawa pa ring magpa-audition ng ABS-CBN para makahanap ng dalawang batang babae na nakatakdang magbida sa isang drama series na malapit ng mapanood sa Kapamilya Network, ang May Isang Pangarap. Napili sa isang nationwide search sina Larah Claire Sabroso ng Davao City at Julia Kla­risse Base na taga-Compostela Valley sa Davao rin pero rito na naninirahan ng Maynila simula nang abutin ng kalamidad ng bagyo ang kanilang bayan.

Nagustuhan ni Direk Jerry Sineneng si Julia dahil sa pagiging bibo nito at kahusayang kumanta at tumugtog ng gitara. Nakuha naman ni Larah ang loob ng director dahil sa very expressive niyang mga mata.
Maituturing na masuwerte ang dalawang bata sa lupon ng mga child stars ng Kapamilya Network dahil bida agad sila sa May Isang Pangarap. Mga personal nilang karanasan ang itatampok sa serye at ang kuwento ng kanilang mga ina na ga­gampanan nina Carmina Villaroel at Vina Morales. Ang isa pang magbibigay ng freshness sa drama series ay ang pagkakasali ni Rico Blanco na kung dati ay umiiwas sa pagtanggap ng mga acting role dahil pina-prioritize nito ang kanyang music pero tinanggap nito ang role ng ama ng isa sa dalawang bata dahil nagandahan siya. Second major role niya ito after Imortal.
Kasama pa rin sa serye na ang presscon ay nagmistulang isang musical concert dahil hindi lamang ang dalawang bata ang kumanta kundi maging si Rico, Vina, at yes, kahit si Carmina.

CARMINA VILLAROEL

COMPOSTELA VALLEY

DAVAO CITY

DIREK JERRY SINENENG

JULIA KLA

KAPAMILYA NETWORK

MAY ISANG PANGARAP

OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with