^

PSN Showbiz

Kris ipinangalandakan pa ang pagiging mabuting ina

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs - Pilipino Star Ngayon

Nakikisimpatiya din ako kay Kris Aquino na pinapatulan ang maraming tao sa Internet para lamang ipagtanggol ang kanyang pagiging nanay.

Wala naman siyang dapat patunayan sa kanila, ’yung kalagayan ng kanyang mga anak, will more than show how she treats and raises her sons.

Huwag mo na silang patulan Kris. After all, kapag napalabas mong masama si James Yap ay maaapektuhan din si Bimby. Kahit gaano ka kata­tag, ka-strong, alam naman ng lahat na ’pag naging malungkot ang mga anak mo, una kang malulungkot. Marami sa fans ang blind followers. Kaya quiet ka na lang.

Richard naghihirap sa mga ginawa ni Sarah

Nakikisimpatiya ako kay Richard Gutierrez dahil maraming problema ang kinakaharap niya tungkol sa relasyon nila ni Sarah Lahbati.

Paano pa maaasikaso ni Sarah ang kaso niya kung tinakasan niya ito? Hindi man si Richard ang managot, damay pa rin siya, kundi man sa kaso ay sa panghuhusga na makukuha ng kanyang girlfriend sa ginawa nito.

’Di ba nakakalungkot ’yun para kay Chard na kailangang pang gumastos ng malaki para makita lang ang girlfriend niya? Eto ay kung makakaalis siya dahil sobrang busy din siya.

Heart mahirap kumbinsihing magtanggal ng damit

Wala ring kailangang patunayan pa si Heart Evangelista. Kaya hindi siya pumapayag ma-feature ng sexy sa cover man o inside pages ng mga men’s magazine. Hindi na nga naman niya kailangang patunayan na sexy siya, nakikita naman ito kahit takpan niya ang kanyang kabuuan.

Sa malas, mahihirapan ang lahat na kumbinsihin siyang magtanggal ng kanyang damit. What they want to see, they can just imagine. It makes her sexier kesa ’yung ibilad niya ng buo ang katawan niya. Especially now na hindi taga-showbiz ang boyfriend niya ’di ba?

 

HEART EVANGELISTA

JAMES YAP

KAYA

KRIS AQUINO

NAKIKISIMPATIYA

NIYA

RICHARD GUTIERREZ

SARAH LAHBATI

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with