^

PSN Showbiz

Dingdong natawa sa pamamakyaw ng mag na cover si Marian

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Naghihintay sa isang madramang eksena si Ding­dong Dantes nang dumalaw kami sa taping ng Pahiram ng Sandali  na sabi ng aktor, habang tumatagal, mas tumitindi ang mga eksena.

At sa set lang ng Pahiram ng Sandali   hindi bawal bumisita ang mga asawa, GF/BF at mga special someone ng cast. That time na nasa taping kami, paparating si Christopher de Leon para samahan si Sandy Andolong sa pagsi-celebrate ng birthday kasama ang staff at crew.

Nabanggit din ni Dingdong na minsan nang bumisita sa taping si Marian Rivera, pero hindi ito bumaba ng sasakyan at saka sandali lang.

Natawa si Dingdong sa ipinarating naming pinakyaw niya ang FHM sa unang araw na labas nito dahil nagkaubusan. Hindi raw totoo ‘yun at may sarili siyang photo shoot sa GF.

Samantala, dalawa ang pelikulang pinaghahan­daan niya. Ang isa’y sa Sunday pa makukumpirma at ang isa’y ang Aswang 2. Same team pa rin sila, si Erik Matti pa rin ang director, pero wala pang cast. Sisimulan agad ang shooting at naintriga kami sa binanggit na baka end of the year ipalabas. Pero ngumiti lang si Dingdong sa tanong namin kung isasali niya sa 2013 MMFF ang Aswang 2.

Actress binantaan ng sampal ang controversial actress kung kailan nakaalis na

Mabuti at hindi nakakarating sa isang controversial actress ang pagmumura sa kanya ng isang kapwa aktres. Galit na galit ang aktres kay controversial actress dahil sa kagagawan niya, nawalan ng trabaho ang dating handler nilang dalawa na  walang ibang pinagkakakitaan kundi ang magtrabaho sa kanila.

Kaya sa isang acting workshop, inilabas ng aktres ang galit sa controversial actress, wagas na wagas ang pagmumura niya rito at pinagbantaan pang sa­sampalin ‘pag kanyang nakita.

Suwerte namang hindi nagku-krus ang landas ng dalawang aktres kahit nasa iisang network lang sila. Hanggang makaalis si controversial actress, ne­ver silang nagkita ng aktres na may galit sa kanya. Ma­ganda sanang abangan kung tototohanin nito ang bantang sasampalin ang aktres.

Dating batang bida sa serye ng GMA 7 pinabayaan na

Katatapos lang ng Aso Ni San Roque, heto at may bagong show na naman sa GMA 7 si  Mona Louise Rey. Siya ang batang pag-aagawan ng tatlong ina sa Afternoon Prime na Tatlong Ina, Isang Anak.

Ang mag-aagawan sa kanya’y sina Camille Prats, Jackie Rice at Jennica Garcia. Sina Mark Anthony Fernandez, Jacky Woo at Carl Guevarra ang leading men ng tatlo. Reunion ito nina Camille, Mon at Mark Anthony na unang nagkasama sa Munting Heredera.

Si Jillian Ward ang original na batang pag-aagawan, pinalitan ni Mona Louise dahil malaki raw si Jillian at parang hindi bagay sa mga inang mag-aagawan sa kanya. Sa Mrs. Snow White inilagay si Jillian.

Teka lang, nasaan kaya si Roseanne Magan, ang batang nagbida sa Biritera? After one soap, nawala ito sa eksena at napanood daw sa Talentado Kids  ng TV5. Sana bigyan siya ng show ng Channel 7.

Eula papalitan na si Lovi sa minsan…

Ang suwerte ni Eula Caballero kung totoong siya na ang magbibida sa Regal TV/Growl Entertainment at TV5 upcoming soap na Minsan May Isang Ina. Tila malabo na raw mahintay si Lovi Poe na dapat bida ng soap dahil may kontrata pa sa kanyang home network, kaya posibleng kay Eula ibigay ang project.

Isa ito sa malaking soap ng TV5 at co-produced ng Regal TV ni Mother Lily at may Growl Entertainment pa. Ang tsika, may mga eksenang kukunan sa Russia at by next month, sisimulan na ang taping nito.

Si Jay Altarejos na dating taga-GMA-7 ang nababalitang magdidirek ng Minsan May Isang Anak.

AFTERNOON PRIME

ASO NI SAN ROQUE

ASWANG

CAMILLE PRATS

CARL GUEVARRA

ERIK MATTI

EULA

EULA CABALLERO

GROWL ENTERTAINMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with