^

PSN Showbiz

Pagsala ng Judges sa nagbabalik na PGT puwedeng saksihan ng live

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tunghayan ang pagpapakitang gilas ng mga na­­­ngangarap makapasok mula sa Luzon sa muling pagbabalik ng hit talent-reality show na Pilipinas Got Talent live sa harap mismo ng judges ngayong Biyernes (Jan. 18) sa PAGCOR Grand Theater sa Parañaque.

Tinatawagan ang publiko para manood at samahan ang big three judges na sina Comedy Queen Ai Ai Delas Alas, Queen of All Media Kris Aquino, at  The Expert Freddie “FMG” Garcia sa kanilang pag­pili ng contestants na uusad sa mga susunod na round ng kumpetisyong magsisimula  na sa ABS-CBN.

Kasama rin ang hosts na sina Luis Manzano at Billy Crawford para makipagkulitan at para alamin ang kuwento ng buhay ng bawat kalahok.

Libre lang manood kaya pumila na sa PAGCOR Grand Theater sa mga nabanggit na petsa. Magbubukas ang gates sa ganap na 11:00  ng umaga.

Unang makakapasok sa venue ang mga mauunang darating.

Baka isa sa mapapanood mo na act na pala ang susunod sa tagumpay ni PGT season 1 grand winner Jovit Baldivino, PGT season 2 grand winner Marcelito Pomoy, at PGT season 3 grand winner Maasinhon Trio.

 Pakaabangan ang pagbabalik ng pinakamala­king talent-reality show sa bansa na Pilipinas Got Talent sa ABS-CBN.

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

COMEDY QUEEN AI AI DELAS ALAS

EXPERT FREDDIE

GRAND THEATER

JOVIT BALDIVINO

LUIS MANZANO

MAASINHON TRIO

MARCELITO POMOY

PILIPINAS GOT TALENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with