^

PSN Showbiz

Ara nagkumpisal na tungkol sa kasal!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mapapanood bukas sa Startalk ang dedication ng anak nina Katrina Halili at Kris Lawrence na ginanap sa Oasis sa Quezon City kahapon.

Hindi pala tiniyak ni Marian Rivera na isa sa mga ninang, kung makakadalo siya dahil meron palang promo ang Temptation of Wife sa Sinulog sa Cebu. Pati nga raw si JayR ay wala rin dahil nasa Amerika din pala ito,

Nakausap ng Startalk si Katrina kamakalawa ng hapon nang dumalaw ito sa GMA 7 dala ang baby niya. Nakipag-meeting na doon si Katrina dahil gusto na pala nitong makabalik sa trabaho. Apat na buwan na ang kanyang anak at kaya na niyang i-manage na alagaan ito kahit nagtatrabaho na siya. Malaki na ang ipinayat ng sexy actress kaya puwede na siyang isalang sa mga programa sa GMA 7.

PAK: Mangiyak-ngiyak si Ate Gay sa pagpapaliwanag sa amin tungkol sa ’di pagkatuloy ng guesting niya sa Celebrity Bluff nung nakaraang linggo. Parang lumabas kasing nag-attitude ito nang nalaman niyang gagawin siyang contestant kasama ang ibang stand-up comedians.

Ang buong akala kasi ni Ate Gay, siya ang bluffer pero doon na lang sa studio niya nalamang pinalitan pala ito ni Ryzza Mae Dizon. 

“Okay lang naman sa akin kung nasabihan akong contestant ako, at least, handa ako ’di ba? Kasi nung nalaman kong bluffer ako, pinaghandaan ko talaga, may costume pa akong dala eh. ’Tapos dun lang pala ako sasabihan na contestant na ako,” paliwanag nito.

Ang balita, napikon ang direktor ng naturang game show nang nalaman niyang umatras si Ate Gay.

Sana maintindihan siya dahil gusto sana talaga niyang mag-guest sa programang iyon at maktrabaho sina Eugene Domingo, Jose Manalo, at Wally Bayola.

BOOM: Pinagtawanan ni Ara Mina ang isyung nagpakasal sila ng Bulacan Mayor Patrick Meneses sa Hong Kong.

“Bakit sa Hong Kong? Hindi ba puwede sa Rome?” pakli nito.

Totoong nagbakasyon sila nung nakaraang Bagong Taon kasama ang kapatid ni Mayor Meneses na parang regalo na raw iyon ng alkaldeng boyfriend sa kanya.

Hindi pa naman nila napapag-usapan ni Mayor Meneses ang magpakasal pero sabi ni Ara, “Feeling ko, ayaw muna niyang pag-usapan baka mawala ang element of surprise. Pero okay kami, tahimik lang ’pag may nagbibiro sa amin.”

Gusto na rin naman ni Ara na malagay na sa tahimik, at sana nga raw si Mayor Meneses na ito. Wala pa siyang masasabi kung kailan, pero malay daw natin baka ngayong taon din ito mangyari.

 

ARA MINA

ATE GAY

BAGONG TAON

BULACAN MAYOR PATRICK MENESES

CELEBRITY BLUFF

EUGENE DOMINGO

HONG KONG

MAYOR MENESES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with