^

PSN Showbiz

Show ni Dolphy itutuloy ang pag-ere!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Tagumpay ang trade launch ng TV5 sa Resorts World Manila noong Martes dahil pinuntahan ito ng mga advertiser at entertainment media.

In full force din ang Kapatid stars sa pangu­nguna nina Ruffa Gutierrez, Derek Ramsay, Edu Manzano, Shalani Soledad-Romulo, Nora Aunor, Lucy Torres, Alice Dixson, at ang bagets stars ng TV5.

Umapir din sa trade launch si Benjie Paras dahil siya ang nag-announce na babalik na sa TV5 ang PBA games. Ka-join ni Benjie sa introduction ng mga bagong sports program ng TV5 ang magkapatid na James at Phil Younghusband.

Hindi puwedeng mawala sa trade launch ng TV5 ang mga big boss, sina Papa Manny Pangilinan, Atty. Ray Espinosa, at Papa Bobby Barreiro.

Nag-enjoy ang mga bisita sa production numbers ng mga artista ng TV5.

Ang tantiya ng mga guest, milyung-milyong piso ang ginastos ng TV5 sa kanilang bonggang trade launch.

Itutuloy din ng TV5 management ang kanilang fantasy show na Pidol’s Wonderland pero babaguhin nila ang pamagat. Parang sub-title na lang ang Pidol bilang tribute nila kay Mang Dolphy.

Bumaba pa mula sa Baguio City ang cast ng Never Say Goodbye para maka-attend sila sa trade launch.

Ang sey ng isang cast member, sobrang lamig sa Baguio City at masyadong foggy ang kalsada nang bumalik sila sa Metro Manila.

Natakot daw sila dahil halos hindi na makita ang kalsada na epekto na makapal na ulap.

Ang Never Say Goodbye ang primetime show ng TV5 na magsisimula sa January 28. Starring sa teleserye ng Kapatid Network sina Nora, Alice Dixson, at Cesar Montano.

Lalakeng walang pahinga

Lalakeng walang pahinga si Cesar dahil sa taping ng Never Say Goodbye at shooting ng The Turning Cradle: The Untold Story of Alfredo Lim.

May deadline na hinahabol si Cesar dahil kailangan na matapos niya ang shooting ng The Turning Cradle sa January 31 para mahabol niya ang Feb­ruary 27 playdate. Nasa kamay ni Cesar ang success ng pelikula dahil siya ang bida at direktor ng project.

Ex ni Ely Buendia, direktor na ng indie

Direktor na rin si Diane Ventura, ang ex-wife at former manager ni Ely Buendia. Si Diane ang direktor ng award-winning short film na The Rapist.

Kahapon ang special screening ng The Rapist at invited ako. Bukas ko ikukuwento sa inyo kung may karapatan si Diane na maging film director.

Magkaibigan sina Diane at Ely, kahit naghiwalay na sila at may kanya-kanya nang buhay. Hindi nakakapagtaka kung mabalitaan natin na si Diane ang direktor ng mga music video ng kanyang sikat na ex-husband.

­

ALICE DIXSON

ANG NEVER SAY GOODBYE

BAGUIO CITY

BENJIE PARAS

CESAR MONTANO

ELY BUENDIA

NEVER SAY GOODBYE

TURNING CRADLE

TV5

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with