^

PSN Showbiz

Paboritong sabihin “I hate my father” Anak ng sikat matindi ang galit sa ama

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

“I hate my father,” madalas na bukambibig daw ng isang anak ng sikat tuwing may magtatanong sa bata tungkol sa ama.

Galit na raw ang nararamdam ng bagets sa kanyang ama na ikinaalarma ng mga nakakarinig sa dialogue ng bata.

At wala na raw pinipiling lugar ang bata. Kahit daw may kaharap itong hindi naman kakilala basta matanong tungkol sa ama, ‘yun ang sasabihin niya.

Palaisipan tuloy sa mga nakarinig kung anong nangyari at galit na galit ang bata sa kanyang amang sikat din naman.

Ang alam kasi ng iba, ginagawa naman ng ama ang responsibilidad sa anak (na nakatira sa kanyang ex misis).

Ang duda ng iba, baka nahawa na ang bata sa kanyang ina na alam ng lahat na may galit sa nakahiwalay na asawa.

Nangangailangan ng malaking datung... Charice nagbebenta ng bahay at kotse? Purdoy na ba si Charice?

Ang kuwentong kumakalat kasi ngayon ay nagbebenta raw ito ng mga kotse nila. Marami raw kasi itong nabili nung panahong mainit ang career niya sa Amerika. “Noong tinutulungan pa siya ni David Foster. Ngayon kasi magulo ang takbo ng career niya. Hindi alam kung anong mangyayari,” reaction ng source. “Siguro kailangan ng maraming pera para matustusan na ang kakaibang lifestyle niya,” dagdag ng source na umiwas magpabanggit ng pangalan.

Actually, hindi lang daw mga kotse ang ibinibenta nito. May naririnig din daw ang nagkuwento na malamang magbenta rin ng bahay si Charice.

Hindi lang alam nang nagkuwento sa akin kung itutuloy ang pagbebenta ng bahay.

Kung totoo ito, grabe rin ang nangyari kay Charice ha. Imagine andun na siya sa Amerika, nagsisimula na siyang magkapangalan sa international scene at tinutulungan siya ng isang David Foster tapos all of a sudden, ang daming naglabasang lumubo agad ang ulo at naging sutil pa sa ina. Kaya pinakawalan ni Mr. Foster ayon sa mga balita at nagpapabalik-balik na lang sa ‘Pinas nang wala nang gaanong balita.

At ngayon heto may isyu na kailangan na niyang magbenta ng kotse at bahay na rin daw dahil kailangan ng datung.

Wait asan na nga ba si Charice ngayon? Kahit sa Twitter at official website niya, walang updates.

TV5 ipinagmalaking naunahan na ang GMA 7 sa anim na probinsiya

Kay Sarah Lahbati ba nakatuon ang GMA 7?  Kahapon kasi ay ibinalita ng mga taga-TV5 na naunahan na nila (in terms of ratings) ang GMA 7 sa anim na major media markets at sila na ang bagong no. 2 channel ayon sa Nielsen TV Audience Measurement (TAM) all-week overnight data. Ang mga nasabing lugar ay ang Iloilo, Cebu, Bacolod, Davao, Cagayan de Oro, at nakiki-share na rin sila sa mataas na rating ng mga show ng ABS-CBN sa General Santos City.

“TV5’s continued climb as the broadcast network of choice for more and more Filipinos reaffirms our vision of providing our people with innovative and creative programming that is attuned to the evolving tastes of today’s TV audiences. We are proud of the work of our outstanding talents, staff, and personnel in helping to create a truly Kapatid Network that we could all call as our very own,” sabi ni Atty. Ray C. Espinosa, TV5 president and CEO.

“The latest figures done by the reputable media monitoring company, Nielsen, further strengthen our commitment in boosting the country’s broadcast standards even more. We are hopeful that 2013 will be our banner year in providing quality public service as well as valued entertainment programs to all Filipinos,” dagdag ni Mr. Espinosa sa kanyang statement.

Ayon sa Nielsen TAM total individuals overnight data covering from weeks 1-50 of 2012, lumakas sa final stretch of 2012 sa Total Nationwide Urban (NUTAM) viewership ang TV5.

At mas mataas sila ng aabot sa seven points sa Visayas Region at mabilis silang tumaas sa Metro Iloilo. Sa Queen City of the South, six point lead naman ang lamang nila sa GMA 7 base sa inilabas nilang survey ng Nielsen.

Maging ang Mindanao-based viewers ay tanggap na ang mga programa ng Kapatid Network base pa rin sa survey. Ganundin sa Metro Davao, Metro Cagayan, at Metro Ge­neral Santos.

At tuluy-tuloy daw ang pag-angat nila dahil ang lakas ng Kidlat na pinagbibidahan ni Derek Ramsay at kasalukuyan nang umeere.

Bukod sa Kidlat, malakas din daw ang mga pelikula nilang tinatagalog at mga programang pambata.

Umaasa ang provincial station manager nila na mas aangat pa ang rating nila sa mga nabanggit na lugar.

Ang Nielsen din ang basehan ng mga survey ng GMA 7.

Ano kayang masasabi rito ng GMA 7?

vuukle comment

AMERIKA

ANG NIELSEN

AUDIENCE MEASUREMENT

CHARICE

DAVID FOSTER

DAW

DEREK RAMSAY

KAPATID NETWORK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with